Chapter IX-Third Lady: First

58 2 0
                                    

"Pwede bang dalian mo Lanie!!! Baka abutan tayo ng traffic. Kahit kailan talaga.", Junylyn

Na-bigo si Dan na makita ng umagang iyon si Veth. Tulog pa raw ito, ayon sa katulong. Gusto pa naman niyang makita ito.

Na-taon namang may,lakad ang dalawang magkapatid. Kaya mukhang mamayang hapon pa niya maki-kita ang dalaga.

Napansin ni Dan na malayo ng mga ito sa isa't-isa.

Mula sa nakita niyang eksena ng nag-daang gabi. Mukhang may misunderstanding ang magka-kapatid.

Maging ang ina ng mga ito. Mukhang iba ang pag-trato kay Veth kesa sa dalawang kasama niya ngayon sa sasakyan. Uso pa ba sa mga panahong ito ang ganung samahan ng magkaka-pamilya?

Baka naman, na-layo si Veth sa mga kapatid nito noong bata pa ito. At ngayon lang sila nagkita-kita. o di kaya, hindi tunay na anak si—

"Anung plano mo?"

"Ho?", gulat na tanung ni Dan.

"Gosh!!!!!!!!!!!!!!! Anung meron sa umagang ito!!! bakit lahat pinapa-init ang ulo ko!!!!!!!!!!! Ang sabi ko anung plano mo?? Hindi pa ba tayo a-alis? ", masungit na Junylyn

"Pasensiya na po Lady, akala ko po kasi wa-"

"Kung naging attentive ka lang at hindi nag da-daydream, baka sakaling napansin mong kanina pa naka-sakay ang kapatid ko!",Junylyn

"Sorry po."

"Ipa-paalam ko ito sa Dad! Si-siguraduhin ko yan!!", pagba-banta ni Junylyn kay Dan.

Hindi na lang umumik si Dan sa narinig. Meron talagang ganitong mga amo. Palibhasa pinagsi-silbihan, akala mo na kung sinong pontio pilato kung umasta. Walang pakundangan sa mga sina-sabi.

Bago pa tuluyang umalis, tumingin pa sa side mirror si Dan. Nagba-baka sakaling makita ang dalaga.

At hindi naman siya na-bigo. Nakita niya itong naka-tayo sa harap ng bahay.

May hawak-hawak na maliit na balde ng tubig habang ka-usap ang isa sa mga taga-silbi ng bahay na iyon. Napa-isip siya kung bakit at para saan ang balde na iyon.

Mukhang hindi ito bagong gising. Ibig bang sabihin, kanina pa ito gising?

Pero bakit hindi niya ito nakita sa almusal? I-iling iling na binalik ng binata ang atensiyon sa mina-manehong sasakyan.

Tanghali na nang maka-balik sina Dan mula sa pinuntahan nila. Sa shopping mall nag-tungo ang mag-kapatid. Maraming binili ang mga ito lalo na si Lady junylyn. Puro mga bagong damit, pampa-ganda, mga sapatos at kahit mga alahas.

Pagka-baba ng sasakyan. Nakita niya namang pa-sakay si Veth sa isa sa mga kotse na naro-roon. Mukhang may lakad ito. Agad niya itong nilapitan.

"Magandang tanghali Lady Veth.", yumukod pa si Dan sa harap nito.

"Manong, alam niyo na po ba yung lugar na tinu-tukoy ko?", pambaba-lewala sa kanya ng dalaga.

"Gusto niyo po, samahan ko kayo, Lady Veth?", Dan

"Hindi na kailangan. Meron na akong kasama." Tukoy nito sa dalawang naka-unipormeng lalaki.

"Ipagda-drive na lang kita", pagpu-pumilit pa rin ni Dan

"Meron na akong driver. Hindi na kailangan. Salamat na rin.".

Akma ng sasakay si Veth ng pigilan niya ito. Hinarangan pa niya ang pinto ng sasakyan.

"Whats your problem Mr? Nakita mo namang nagma-madali ako diba?", bakas na sa mukha nito ang inis sa kanya. Na ikinatu-tuwa naman ni Dan. Isang magandang tanawin para sa araw na iyon.

"My Lady, baka nakaka-limutan niyo po na bilin ng inyong ama na dapat ay kasama niyo ako sa mga pu-puntahan niyo. At saka nga pala, alam ba ni Dylan ang lakad niyong ito?", pagta-tanung ni Dan.

Natigilan naman ang dalaga sa kanyang pagta-tanung. Mukhang mahilig nga itong tumakas.

Habang bina-bantayan niya ang mag-kapatid na Junylyn at Melanie, lihim naman niyang ina-alam mula sa ibang mga kasama ang tungkol kay Veth. At pare-pareho ito ng mga kwento.

Na palaging napapa-galitan ang dalaga dahil sa pagtakas-takas nito kahit noong nasa ibang bansa pa ang mga ito. Mukhang pasaway talaga.

At ito nga, siya na mismo ang naging patunay.

"Lady Veth, Lexing anung nangya-yari dito? Bakit naka-handa ang kotse? ", si Dylan

"Mr. Dy!", mukhang nagulat ang dalaga ng makita si Dylan.

"Mukhang may lakad po si Lady Veth.", sagot naman ni Dan

"Lakad? Alam po ba ito ng inyong ama? But he didn't inform me about this. My Lady, you're not trying to.."

"Salamat sayo!", patungkol niya kay Dan. Ngunit hindi ito isang magandang pasa-salamat. Galit ito sa kanya.

Pa-dabog na sinara ni Veth ang pinto ng sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.

Napa-kamot na lang si Dan sa ulo. Mukhang bad move ang nagawa niya. Iiling-iling lang si Dylan habang sinu-sundan ng tingin ang dalaga. Ngunit ng humarap ito sa kanya, seryoso na naman ang mukha nito.

"Lexing, ngayon siguro alam mo na kung bakit laging dapat may kasama si Lady Veth. Mas bigyan mo ng atensiyon ang pagba-bantay mo sa kanya. Siguradong ga-gawa siya ng paraan para maka-takas. At hindi natin alam kung anu ang pwedeng mangyari. Alam mo naman siguro kung anu ang tunay na lagay ng pamilyang ito."

"Opo. Alam ko po. Pero, hindi po ba masyadong mahigpit ang mga tao dito kay Lady Veth?",

"Nagi-ingat lang.. hindi naghi-higpit.". tinalikuran na siya ng ka-usap at pumasok na sa loob ng bahay.

Napa-buntong hininga na lang si Dan bago sumunod sa lalaki. Bago maka-pasok sa sariling kwarto, may narinig si Dan na nagu-usap mula sa hardin ng bahay na iyon. Mula sa kinata-tayuan sumilip siya sa bintana at nakitang nagu-usap ang mag-kapatid na Junylyn at Veth. Nakapamaywang si Junylyn habang ka-usap si Veth. Hindi man marinig ng husto ang pinagu-usapan ng dalawa alam niyang may kinalaman dito ang nang-yari sa muntik na pagtakas ni Veth.

Nahagip ni Dan ang mga ekspresyon sa mukha ni Veth ng konting mapa-harap ito sa kinaro-roonan niya.

"Ang mga matang iyon…..", saad ni Dan sa sarili.

Siniksik ni Dan ang sarili sa sulok ng makitang pa-pasok na ng bahay si Junylyn. Na-iwang mag-isa si Veth sa lugar na iyon. Mula sa pagkaka-buka ng bibig nito, mukhang sumambit ito ng mahinang mura. Naka-ramdam ng awa si Dan para sa dalaga. At inis naman sa sarili. Na hindi niya maipaliwanag kung bakit. Pero isang pangako ang na-buo sa isipan ng binata.

"Ang mga matang iyon…….. hindi ko na hahayaang makita pa ang mga matang iyon…", pangako ni Dan sa sarili.

My Third LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon