Chapter Twenty One

4.2K 104 5
                                    

"Pwede na po umuwe ang pasyente, base sa mga examinations sakanya nagiimproved naman ang pagtherapy sakanya. Nakakaramdam na ng kaunti ang mga binti niya."
"Mabuti naman kung ganon dok, maraming salamat."
"So Phen, konting tiis na lang makakalakad ka na ulet."
"Salamat po."

---
"Sabi ni Tim hahabol na lang daw sya sa celebration kasi may inaasikaso pa siya sa office." Sabi ni Mommy Ali habang nasa byahe sila pauwe ng hacienda.
"Kahit hindi na po sya humabol okay lang po." May halong pagtatampong sabi ni Phen.
"Uy nagtatampo sya." Panunukso ni Mommy Ali.
"Hmp" ipinikit na lamang ni Phen ay kanyang mga mata.

---
"Welcome home Phen!" Bati nila Doña Luisita, Don Luisita at ng mga kasambahay at mga tauhan sa hacienda.
"Salamat po." Nakangiti niyang sabi.
"Señiorita namiss kita lalo na ni Kite." Sabi ni Pinang.
"Ako rin Pinang, Kite."
"Ikukuha ko po kayo ng pagkaen anu pong gusto niyo?"
"Mamaya na ko. Sige kumaen kana."
"Tawagin nyo lang po ako kung kakaen na po kayo a."
"Sige, Salamat."
Nagkakainan na ang mga bisita pero si Phen ay nasa isang sulok lang at malalim ang iniisip.
Nagtatalo ang puso't isip niya. Gusto na niyang aminin kay Tim ang nararamdaman niya para dito pero natatakot siya na baka hanggang kaibigan lang ang turing sakanya nito.
Maya maya pa ay may narinig silang truck at paglingon niya ay agad siyang napangiti dahil truck pala iyon ng nagdedeliver ng ice cream at kasunod nun ay sasakyan ni Tim.
"Tim". Tawag ni Mommy Ali.
"Where's Phen?". Sabi nito
"She's there." Turo naman nito.
Lumapit ito kay Phen.
"Hi, sorry kung late ako." Bati nito sakanya.
"Okay lang." Malamig na sagot ni Phen.
"Kumaen kana ba?"
"Oo."
"Good. Ikukuha kita ng ice cream." Paalam nito.
"Hindi pa sya kumakaen Tim." Sabi ni Mommy Ali.
"Ako na lang magbibigay sakanya."
"Sabayan mo na sya at kanina nagtatampo yun."
"Sige po."
---
"Tara kaen na tayo."
"Sige lang busog pa ko."
"Hindi ka pa nga daw kumakaen e."
"Busog pa nga ako."
"Hindi ka pwede magice cream kapag di ka kumaen ng lunch."
"Edi wag."
"Ano bang problema mo bakit ang sunget mo."
"Ano bang pakialam mo?!".
"Concern lang ako sayo."
"Hayaan mo na lang ako." Sabay pagulong nito sa wheel chair.
"Phen mag usap nga tayo!". Habol ni Tim.
"Pinang tulungan mo na ko pumunta ng kwarto ko gusto ko ng magpahinga."
"Sige po señiorita."
"Ako na magdadala sakanya." Prisinta ni Tim.
"Hayaan mo na nga ko sabi e !." Sigaw ni Phen kaya napatingen sakanila ang mga tao.
"Ano bang problema mo?"
"Ikaw! Hayaan mo na ko!  Umalis kana ! Umalis kana sa buhay ko tutal naman tapos na ang problema ng Papa ko!". Umiiyak na sabi ni Phen.
"Phen."
"Pinang halika na please."
Agad naman kumilos si Pinang at Tinulak na ang wheel chair papasok ng mansyon.
Naiwan naman nalilito si Tim.
"What happened?" Tanong ni Mommy Ali.
"I don't know bigla na lang sya nagalit." Napaupo na lamang si Tim at napahilamos sa mukha.
"Pagpasensyahan mo na sya Tim pagod lang siguro sya at nag aadjust." Sabi ni Doña Luisita.
"Kumaen kana muna, hayaan muna natin sya."

---
"Bumalik kana sa labas Pinang".
"Señiorita."
"Sige na magpapahinga lang muna ako."
"Sige po señiorita."
At lumabas na ito.
"Kamusta sya?"
"Di na po sya umiiyak."
"Sige."
Nakatayo si Tim sa tapat ng pinto ng kwarto ni Phen.
Nag iisip sya kung papasok sya para kausapin ito pero baka lalo itong magalit kaya lumabas na lang ulet sya.
"Sir Tim tara po inum po tayo." Yaya ni Edong na isang trabahador
"Ano kaba mayaman yan di yan makikisalamuha satin."
"Malay nyo makiinum mabait naman yan si sir e."
Lumapit naman sya sa mga ito.
"Ano pong iniinum nyo?"
"Lambanog ho sir."
"Sige patikim nga po."
At binigyan sya sa baso at agad niyang ininum.
"Ano ho sir masarap po ba?"
"Oho masarap, penge pa nga po."
"Sige sir eto o."
"Wag nyo na po akong iPo."
At nagtuloy tuloy nga ang pakikipag inuman ni Tim sa mga trabahador hanggang gabi.
Nagsasayawan na ang iba dahil sa kalasingan sa saliw ng kanta sa videoke ng iba pang trabahador.
"Nako sir baka di nyo na kaya."
"Kaya ko pa." Nauutal na sabi ni Tim.
"O sige inum pa!" Sigawan ng mga ito.
----
"Ipasok nyo na sya dito sa kwarto niya." Utos ni Alicia sa mga trabahador na may akay kay Tim na lasing na lasing.
Inihiga nila si Tim at nagpaalam na ang mga ito.
"Sige salamat po a."
"Hay nako Timothy ano bang pumasok sa isip mo at naglasing ka ng ganyan!".

Itutuloy ..

Ang Probinsyana Kong FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon