Sin and Heart break

3.5K 92 14
                                    

Medyo marami rami na rin ang naiinom ni Tim ng dumating si Ellen.
"Hi guys." Bati nito.
"Anung ginagawa nya dito?." Tanong ni Todd kay Gael.
"Bakit ako tinatanong mo? Yang si Tim ang tanungin mo."
"Tim how are you." Malandi nitong sabi sabay kapit kay Tim.
"Mukha ba kong okay?" Sabi naman ni Tim.
"Tim ano to ? Akala ko ba balak mo na magsettle down?"
"Akala ko nga rin e pero di pa pala."
"Don't worry Tim andito naman ako e." Sabi ni malanding Ellen.
Napailing na lang sila Todd at Gael.
---
"Mauna na kame." Paalam ni Tim.
"No bro. Kame ng bahala sayo, umuwe kana Ellen."
"Wait kaya ko pa, may pupuntahan pa kame ni Ellen."
"Bro tama na, hindi mo yan magagawa kay Phen kaya sige na Ellen umalis kana."
"Wag nyo nga ako pakialamanan, tara na Ellen." At umalis na ang dalawa.
Alam nila Todd at Gael kung san hahantong sila Tim at Ellen pero wala silang magawa para pigilan ang mga ito.
---
Kahit masakit ang ulo ay pinilit ni Phen na gumising ng maaga para puntahan si Tim sa condo nito. Kailangan nila makapag usap ng maayos. Kailangan maging maayos ulet sila.
Madali syang nakapasok kahit nakalock dahil merun naman syang duplicate key.
Nasa pinto pa lang sya ay naamoy na nya ang mga bote ng alak na nagkalat sa sala. Dadamputin na sana niya ang isang bote ng may makita syang highheel shoes sa harap ng pinto ng kwarto ni Tim, kinuha nya ito.
Nakaramdam ng kakaibang pakiramdam si Phen. Paghihinala at takot pero nanaig ang tapang na alamin ang totoo. Pinihit nya ang doorknob ng pinto ng kwarto ni Tim at dahan dahang binuksan iyon. Bumilis ang tibok ng puso nya, hindi niya malaman kung maiiyak ba sya o magagalit sa nakitang may katabing babae si Tim sa kama nito! Nabitawan nya ang hawak na isang pares ng highheel shoes at nalaglag sa sahig na gumawa ng ingay para magising ang dalawang natutulog.
"Phen?".
"Tim ..." naiiyak na sabi ni Phen.
Napatingen naman si Tim sa katabi at nagulat syang si Ellen yun!
"Phen magpapaliwanag ako." Sabay tayo nito at nagbihis. Nagmamadali naman lumabas ng kwarto si Phen direcho palabas ng unit ni Tim.
Hinabol naman sya ni Tim.
"Phen please magpapaliwanag ako."
"Hindi mo na kailangan magpaliwanag Tim! Probinsyana lang ako pero hindi ako tanga!".
"Phen I'm so sorry, I was drunk and I did not know what happened last night."
"Wag mong sabihing lasing ka dahil kung hindi mo gustong mangyare yan bakit ka naglasing."
"Phen please forgive me." Lumuhod ito sa harap nya at nakahawak sa mga kamay nya.
"Ako yung pinanghihinalaan mo na nakikipaglandian pero ikaw pala tong gumawa na ng milagro! Tama na Tim naglolokohan na lang tayo e!" Binawi nya ang kamay at tinanggal ang singsing na ibinigay ni Tim sakanya noon.
"Phen."
"Pakawalan na natin ang isa't isa baka nga hindi talaga tayo ang magkatadhana." Umiiyak na sabi ni Phen sabay abot kay Tim ng singsing saka nanakbo palayo.
Naiwan namang nakaluhod at  umiiyak si Tim.

---
Hindi na napigilan ni Phen ang mga luha nya habang sakay ng taxi. Kahit na palinga linga sakanya si manong driver.
Hindi muna sya uuwe at gusto nyang pumunta sa isang lugar na pwede nyang iiyak at ibuhos ang nararamdaman. Maya maya ay nagring ang cellphone nya. Si Tim iyon kaya di nya sinagot. Ilang segundo lang ay may nagtxt at si Josh.
From Josh:
See you at Yummy Bear House at 12 pm.
Nireplyan niya ito at sinabing papunta na sya.
Pagdating nya ay nandun na ito. May band aid ang mukha at may sugat sa labi.
"Hey," masayang bati nito.
Hindi sya umimik at umupo na lang.
"Hindi na kita tatanungin kung anong nagyare dahil halata naman na nag away kayo."
Hindi parin sya umiimik.
"Phen? Andito lang ako kung kailangan mo ng kausap."
"Josh." Tanging nasabi ni Phen at napaiyak na ito.
"Tara wag tayo dito mag usap." At inakay sya nito papuntang kotse.
Dinala sya ni Josh sa isang Tahimik na park.
"Now tell me what happened."
"Magdamag kaming di nagkausap tapos maaga kong gumising para puntahan sya sa condo nya para mag usap pero naaubutan ko syang may katabing babae sa kwarto nya." Kwento ni Phen.
"Tsss! Gago pala sya e ! Sya pala yung gumagawa ng kalokohan e."
"Wala na kami. Nakipaghiwalay na ko sakanya." Patuloy na pag iyak nito.
"Sige iiyak mo lang yan, andito lang ako kame nila Jack na kaibigan mo." Niyakap sya nito.
"Salamat." Patuloy na umiyak si Phen.

---
"Where is Phen?"
"Wala sya umalis a pupuntahan ka daw."
"Nagkausap na nga kame pero may problema e."
"What is it?"
"Basta, call me pagkauwe nya".
Umalis na rin ito kaagad.

---
"Kain muna tayo." Nakakagutom makinig sa lovestory nyo.
"Salamat a Josh".
"Basta kung anong gusto mo suportado kita."

Itutuloy ...

Mga Lalaki Talaga! Tsssk!

Ang Probinsyana Kong FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon