Goodbye

3.4K 106 6
                                    

Hinatid ni Josh si Phen sa bahay nila.
"Salamat sa paghatid josh."
"Anytime. Tawag ka lang kung kailangan mo ko."
"Sige, bye."
Pagpasok nya ng bahay ay kinausap sya ni Mommy Ali.
"Phen, alam kong may problema kayo ni Tim. Mag usap kayo ng maayos hindi yung nag iiwasan kayo."
"Mommy Ali pasensya na po kung pati kayo namomoblema, pero gusto ko lang po ipaalam sa inyo na nakipaghiwalay na po ako kay Tim."
"Huh? Bakit? Anung dahilan?".
Ikinuwento niya kay Mommy Ali ang lahat.
"Hindi kita masisisi kung yan ang desisyon mo, pero sana kung magagawan pa ng paraan para maayos ay gawin nyo."
"Pasensya na po Mommy Ali pero sa ngayon po talaga gusto ko muna mahiwalay sakanya."
"Kung yan ang desisyon mo, sana walang magbabago satin Phen."
"Oo naman po Mommy Ali." At nagyakapan sila.

---
Nagising si Phen sa ingay sa labas.
"Phen?." Tawag ni Pinang.
"Bakit? Ano yung maingay?"
"Si Tim nasa labas, nagsisigaw gusto ka daw makausap. Di sya pinapapasok ni Tita Ali."
"Mabuti naman, ako ng bahala."
Agad silang bumaba sa sala.
"Phen, sinabihan ko na sya na umuwe na pero ayaw nya."
"Ako na lang po kakausap."
Lumabas sya ng gate para kausapin si Tim.
"Anung ginagawa mo dito?"
"Phen, please mag usap tayo .. ayusin natin to."
"Wala ng dapat ayusin Tim sirang sira na."
"No Phen please give me one more chance please."
"Tama na Tim, umalis ka na kung di ka aalis tatawag ako ng guard!".
"Tim sige na umuwe kana. Tara sasamahan kita." Sabi ni Mommy Ali.
Iyak naman ng iyak si Tim. Inakay ito ni Mommy Ali at sinakay sa kotse.
---
"Baka hindi pa ngayon yung time para sa inyo anak, kaya give her a time .. set her free muna, hayaan nyo muna ang isa't isa kung kayo kayo talaga."
Tahimik lang na nakikinig si Tim. Medyo nahimasmasan na ito pag uwe ng condo.
"Gusto ko sya makausap Mom."
"Maybe tommorrow, matulog kana."

---
"Anung ginagawa mo dito?"
"Gusto ka nya makausap ng maayos, aalis muna kami ni Pinang." Seryosong sabi ni Mommy Ali.
"I'm here to tell you that I love you that's why I'm setting you free, I'm so sorry for all I've done I admit it. Kung hindi ka pa ready na patawarin ako then I give you time for that."
Tahimik lang na nakikinig si Phen.
"Maybe Mom is right, Di pa siguro ito yung tamang time para satin. Kung tayo talaga para isa't isa tayo talaga pero for now hayaan muna natin ang mga sarili natin." Umiiyak na sabi ni Tim.
Niyakap nya si Phen na tanging paghikbi lang ang nagagawa.
"Thank you for all you've done in my life, take care of yourself, ienjoy mo yung buhay mo, mag aral ka mabuti at mag ingat ka palagi."
"Sorry din sa mga nagawa kong pagkukulang sayo, Alam mong mahal na mahal kita pero gaya nga ng sinabi mo yun ang mas magandang gawin."
"So goodbye for now, Phen".
Umiiyak na sabi ni Tim sabay alis.
Naiwan namang umiiyak si Phen.

Itutuloy ...

---
Alam kong marami na namang maiinis kasi maikli lang to pero mag uupdate po ulit ako mamayang gabi .. nadelete po kase yung una kong gawa e .. promise mamayang gabi ulet 😊

Waaah ! Kaiyak :'( naalala ko tuloy nung magjowa pa lang kami ng mister ko ganyan yung mga lines namen 😁😂 share lang 😊

Ang Probinsyana Kong FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon