Classmate

3.4K 82 1
                                    

"Papasok na kame, tawagan na lang kita mamayang breaktime." Paalam ni Phen kay Tim na kausap niya sa cellphone.
Agad na syang pumasok ng room.
"Uy namimiss na nya si Tim"
"Naninibago lang ako, dati kasi diba lage kameng magkasama."
"Sa weekends naman magkakasama na kayo e."
"Kaya nga."
"Hay ako kaya kailan kaya makikilala si Prince Charming ko."
"Sira ka talaga."
"Wag moko isusumbong kay Inang a."
"Oo na."
---
Last subject na nila ang P.E kaya nagsipuntahan na sila sa Gym ng university.
"Anung ginagawa nya dito?"
"Baka sinisilayan akohhh." Malanding sabi ni Jack.
"Sino ba yung pinaguusapan nyo?"
"Ayun o si Fafa Josh."
Napatingen naman si Phen at Pinang sa tinuro ni Jack. At yun ay walang iba kundi ang lalaking nang agaw ng librong bibilin nya.
"Ano?! Kaklase natin ang mang aagaw na yun?!".
"Adyan na si sir."

---
"Okay class I'm Max Pedrosa. Ako ang magiging prof nyo sa P.E at ang topic natin is all about music and Dance."
"I want you to get a partner. Boys get your partners."

Nagsitayuan naman ang mga kalalakihan maski si Jack ay napatayo na rin at piniling kapartner si Tyra.
Nagpartner partner na rin ang iba pa.
"O bakit walang kumuha dito kay Miss beautiful." Turo nito kay Phen.
Nagkatinginan naman ang mga magkaklase.
"I'm sorry sir may kinuha lang po ako sa cr." Singit ni Josh.
"O may partner kana ba?"
"Po? Wala pa po."
"O sige partner na kayo ni miss beautiful."
Napanganga naman si Phen. Hanggat maari ay ayaw niya itong makausap man lang pero ngayon magiging magpartner pa sila nito!
"Okay sir."
"Sige magsiupo muna kayo. Kaya ko kayo pinagpartner partner para makagawa kayo ng sarili nyong dance step na ipepresent nyo saken next meeting. Kahit anung klaseng sayaw basta partner kayo maliwanag ba?".
"Yes sir."
"Okay. See you next meeting , dismiss."
At umalis na ito.
"Hindi ako pwede ngayon kaya penge ako ng number mo. Bukas na lang tayo gagawa ng ipepresent natin."
"Huh? Hindi ako pwede bukas e."
"Isisingit ko nga lang sa schedule ko to e. Akin na, itype mo dito." Sabay abot ng cellphone.
Tinaype naman ni Phen ang number nya.
"Sige txttxt na lang a." Sabay takbo nito.
Hinintay na lang niya si Pinang dahil kausap pa nito ang partner.

---
"Tim, pasensya na a may gagawin pala kame bukas. Siguro sa linggo na lang tayo mamasyal. Oo, sige .. I love you too."
"Paano kaya yan Phen hindi ako marunong sumayaw." Reklamo ni Pinang.
"Ako rin naman e."
"Sana magaling sumayaw si Fin." Tukoy nito sa partner.
"Sana nga, sige tulog na tayo."

---
Hindi makatulog si Tim. Iniisip nya si Phen. Miss na miss na nya ito pero pareho silang busy. Konting tiis pa at matutupad din nila ang pangako nila kay sa mag asawang Sandoval at para na rin sa future nila.
"I miss you Phen." Naisatinig nya bago nakatulog.

Itutuloy .....

Ang Probinsyana Kong FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon