Bagong Buhay

3.8K 91 4
                                    

"Wow ang ganda naman nitong bahay."
"Pinagawa talaga ni Tim to para sa inyo."
"Señiorita, tamang tama pala to satin. Tignan nyo may hardin din na pwedeng pagtaniman natin."
"Good to see na nagustuhan nyo tong bahay."
"Salamat Tim."
"Your welcome. Basta lage nyong ichecheck ang mga bintana at pinto for your safety."
"Malapit din to sa university na papasukan nyo, bukas sasamahan ko kayo."
"Sige po Mommy Ali."
"Tara sa taas check nyo yung mga kwarto." Yaya ni Tim
Tama nga si Tim nagustuhan ni Phen at Pinang ang bahay na binili niya para sa dalawa.
---
Kinabukasan maagang umalis sila Phen para pumunta ng University.
"Ang laking iskwelahan pala nito." Manghang sabi ni Pinang.
"Oo nga, tignan mo Pinang ang ganda ng uniporme nila o." Sabay turo sa mga estudyanteng nakakasabay nilang naglalakad papasok sa university."
"Sumunod kayo saken." Sabi ni Mommy Ali.
---
"Good morning Ali, nice to see you again." Bati ng may edad na babaeng kaharap nila.
"Well nice to see you too Mel."
"Sila ba yung sinasabi mo."
"Yes, she's Phenelope Sandoval and Espina Mendoza."
"Magandang umaga po." Sabay nilang bati.
"Good morning too, young ladies."
"Heto ang mga requirements nila."
"Ako ng bahala dyan. Tara sa opisina ko."
---

Naglibot libot muna ang dalawang dalaga sa university dahil di pa tapos magtsikahan ang dalawang matandang babae. Magkaibigan pala ang mga ito at daig pa ang tindera sa palengke sa pagtsikahan ang mga ito kaya lumabas muna sila ng opisina nito.
"San kaya ang canteen dito Pinang? Nagugutom na kasi ako e"
"Ako rin señiorita e."
"Tara lakad pa tayo papunta dun sa maraming estudyante."
"Sige."
Nang makalapit sila sa mga estudyante ay nagtanong si Phen sa isang babae.
"Miss, san po dito ang canteen?"
"Dyan o papasok." Sabay turo nito sa isang direksyon.
"Tara Pinang."
Pumasok sila sa isang malaking pinto. Yun nga ang canteen. Maraming estudyante dun siguro break time. Agad silang lumapit para makatingen ng pagkaen.
"Isang order nga po nito ate." Sabay turo ni Phen sa pancit na nakadisplay."
"Ito naman saken." Turo din ni Pinang sa Carbonara.
"Pakisamahan nyo na rin po ng dalawang Juice drink. Magkano po lahat?"
"140."
"140???!!! Ang mahal naman nito?" Gulat na sabi ni Pinang.
"Hayaan mo na. Eto po o." Sabay abot ni Phen ng Bayad sa tindera.
Naghanap na sila ng mauupuan para kumaen.
"Ang mamahal naman ng tinda dito. Aba kung ganito señiorita mag baon na lang po tayo ng pagkaen."
"Mabuti pa nga kung ganon."
Nagsimula na sila kumaen. Ang iingay ng mga estudyante grupo grupo ang mga ito at iba iba ang pinag uusapan.
"Hey guys! Listen .. This girl is not belong here. Look at her she is so ugly and cheap!". Sabay tawa ng isang estudyanteng babae na nakatayo sa ibabaw ng lamesa.
Nagtatawanan naman ang mga estudyanteng nandun maliban sakanila ni Pinang.
Bihusan ng babaeng salbahe ang tinuturo nitong pangit ng juice.
"Go away ugly duckling!." Sabay tulak nito na agad nitong ikinatumba sa lapag. Patuloy parin ang pagtawanan ng mga ito.
Hindi nakatiis si Phen at nilapitan nya ito para tulungan.
"Halika." Alalay nya dito.
Panay iyak naman ang babaeng sinasabing pangit.
"Tss! Pakialamera!". Sabay alis ng babaeng salbahe at ang grupo nito.
Tumayo na rin si Pinang para tulungan si Phen.
"Sino ba yun? Napakasalbahe niya." Tanong ni Phen.
"Si Abby yun. Salamat nga pala a."
"Bakit ka nya inaway?"
"Hindi ko alam. Wala naman akong ginawa sakanya e."
"Hayaan mo na nga yun. Ayos ka lang ba?"
"Oo. Salamat a."
"Walang anuman. Ako nga pala si Phen."
"Ako naman si Pinang. Mga bago kaming estudyante dito."
"Nako. Mag iingat kayo kay Abby kadalasan kasi ng binubully nun mga freshmen e."
"Bakit? Anong yr kana ba?"
"1st yr. Oo nga, tayong mga freshmen ang target niya."
"Bakit ganon sya? Wala bang nagsusumbong sa guidance office?"
"Merun kaso, mayaman sila Abby. Nababayaran ng parents nya ang mga officials dito sa univesity.
"Ganon ba? e maya-." Hindi na naituloy ni Pinang ang sasabihin dahil siniko sya ni Phen.
"Hayaan na natin sya basta wala tayong ginagawa sakanya."
"Nako anong oras na ! Baka hinahanap na tayo ni Tita Ali."
"Oo nga pala. Sige maiwan ka na namin."
"Sige salamat a, see you again."

Itutuloy ...

Ang Probinsyana Kong FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon