Ang matamis na Oo

3.2K 76 4
                                    

Hapon na ng magising si Phen. Napasarap ang tulog nya dahil sa preskong hangin at komportable nyang kama.
Lumabas sya ng mansyon para hanapin ang mga kaibigan. Nagtanong sya sa isa nilang kasambahay at sinabing nasa hardin ang mga ito. Pumunta sya doon at andun nga ang mga ito.

"Andito lang pala kayo." Paglapit nya.

"Ang ganda talaga dito sissy, parang gusto ko na dito tumira."

"Sus! Nakita mo lang ang mga muscles ng mga trabahador na naghahakot ng mga pananim e gusto mo na agad dito?." Panunukso ni Letty.

"Hay nako Letticia ! Inggit ka lang kasi di ka nila napapansin e kasi naman anlaki ng nunal mo sa nguso kaya ayan akala may kulangot ka ! Pwahahaa!." Ganti naman ni Jack.

"Kayo talaga lagi na lang kayo nagtutuksuhan."

"Ewan ko ba dyan kay Letty ako lage nakikita porket ako ang pinakamaganda sating lahat." Sabay irap ni Jack.

"Ehem ehem ... ang lamig na a lumalakas ang hangin mga sis! Mukhang may bagyong paparating."

"Tse! Nunal mo!."

"Tama na yan baka magkapikunan na kayo nako! Isasako ko kayo at itatapon sa sapa." Sabi ni Pinang.

"Hmmm." Tanging nasabi ni Jack

"Nasan nga pala si Tim? Napansin nyo ba sya?."

"Uy ... namiss nya agad si Fafa Tim." Tukso ni Jack kay Phen.

"Hindi naman."

"So ano nga sis kailan mo ba sya balak sagutin?." Tanong ni Letty.

"Hmmm .. balak ko sana ngayon na e."

"Ihhhhhhh! Talaga?!." Tili ni Jack.

"Sshhhh!!! Quiet lang kayo a!."

"Oo sis ." Sabay na sagot ng tatlo.

Hinahanap nya si Tim ng mapag alaman nyang nasa tabing sapa ito na lage nyang pinupuntahan noon. Agad syang pumunta doon para kausapin ito.

Nadatnan nya itong nakaupo at mukhang malalim ang iniisip. Lumapit sya dito at naupo sa tabi nito.

"Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala."

"Bakit mo naman ako hinahanap?."

"Wala naman .. gusto lang kita makausap."

"About what?."

"About us."

"Us?."

"Sinasagot na kita."

"Huh?."

"Kailan ka pa nabingi?."

"Hindi nga? Sinasagot mo na ko?."

"Oo nga, ayaw mo ba?."

"Gusto, gustong gusto!." Tumayo ito ata agad binuhat si Phen.

"Hoy teka! Ibaba mo nga ako."

"Thank you ! Yessss!!!! Kami na ulet ni Phen!!!." Sigaw ni Tim.

"Tumigil ka nga dyan! Para kang sira."

"I love you ! Akala ko pinapaasa mo lang ako."

"Ibaba mo na ko baka may makakita satin nakakahiya."

"So what?." At ibinaba sya nito.

"Thank you Phen, promise kita na sasaktan ulet at di na kita papaiyakin."

"Promise?."

"Yes, promise at di na kita pakakawalan pa."

"Basta ba di puro salita at gagawin mo na."

"Opo, promise. I love you."

"I love you more."

"I love you most." At dinampian sya nito ng halik sa noo.

Itutuloy ...

Ang Probinsyana Kong FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon