See you Again

3.5K 76 2
                                    

Maagang nagprepared si Phen para pumasok sa launch ng mga bagong products ng kompanyang pinapasukan nya.

Inaayusan na sya ng mga make up artist na mga bakla ng tumawag si Jack.

"Girl on the way nako dyan. Wit mo ko a." Sabi ni Jack sakabilang linya.
"Okay. See you."

---
"Mga bakla !!! Anung oras na hindi pa tapos yan?." Sigaw ni Jack habang papasok.

"Ay nako mamang, pasensya na medyo nalate kami kasi naman tong si Vivi nag aya pa kagabi magshot kaya naman nalate kame." Paliwanag ni Hana ang make up artist nyang bakla.

"O sya sige na doble time tayo a."

"Yes mamang."

Nang matapos mamake up an si Phen at iba pang model ay nagsipag bihis na ang mga ito. Maya maya lang ay nagumpisa na ang launching

"Phen be ready na a ikaw na ang next na rarampa." Paalala ni Jack.
"Yes Jack." Sabay ngiti nito.
"You're so gorgeous my bff." Papuri ni Jack.

---
Nang sumenyas na ang assistant ay nag umpisa na syang naglakad sa stage na nakataas noong nakangiti ng ubod ng tamis.
Panay naman ang pagkislap ng mga camera na hindi magkanda ugaga ang mga kumukuha nito.

---
Hindi makapaniwala si Tim sa nakikita. Parang namamalikmata lang sya, tama nga si Todd sa mga ibinalita nito na ang laki ng ipinagbago ni Phen. Nakita na nya si phen sa mga magazines at tv pero ngayon ay nakita na nya ito sa personal. Bumilis ang tibok ng puso nya ng di sinasadyang napatingen sa gawi nya si Phen.
Lalo tuloy syang nabuhayan ng dugo at nagkalakas ng loob para kausapin si Phen.
---
Nang matapos na ang pagrampa at pagpapakilala sa mga models at products ay agad na nagpunta ng rest room si Phen para makapag ayos ng sarili. Hindi sya maaring magkamali si Tim ang nakita nya kanina pero anong ginagawa nito dito.
Hindi nya malaman kung anong mararamdaman nya kung dapat ba syang maging masaya dahil nakita nya ito o dapat na magalit sya.

---
Nang makita ni Tim si Jack ay agad nya itong kinausap.
"Jack Herrera right?"
"Yes? What can I do for you?" Palihim na kinikilig ang baklita dahil kilala nya si Tim noon pa.
"I'm Tim Montemayor, Is that Phen? Phen Sandoval?" Turo nya sa may screen na nagfflash ang mukha ni Phen.
"Yes she is."
"Where is she?"
"Wait, halika nga dito Fafa Tim!" Di na napigilang sabi ni Jack.
"Nasan sya? Gusto ko sya makausap."
"Nasa restroom sya! Bakit mo sya gustong makausap? Anung kailangan mo?!"
"Gusto ko lang sya kamustahin."
"Hmmm hindi pwede e ."
"Why?"
"Basta. Bye." Sabay alis ni Jack na agad pumunta sa restroom para ipaalam na hinahanap ni Tim si Phen.
---
Pumasok si Tim sa back stage para hanapin ang mga models na kasama ni Phen kanina nagtanong tanong sya kung nakita ba nila ito pero walang nakakaalam kung nasan ito. Maya maya ay nakita nyang may pinagkakaguluha ang mga press kaya lumapit sya at nakita nya na nandun si Phen at pilit na iniinterview ng mga ito.

"Miss Phen, totoo ba ang mga balita na merun ka daw boyfriend na isa sa mga stock holders ng kompanya kaya malakas ang kapit mo dito." Tanong ng isang press.
"I'm sorry that's not true, pasensya na pero I need to go." Iwas ni Phen na naglakad palayo agad naman itong sinundan ni Tim.
Nagpunta si Phen sa terrace ng venue para makapag isa.
Napapikit sya sa hampas ng hangin sa terrace na agad na nakapagrelax sakanya.
"How are you."
Nagulat sya at napalingo kung sino ang nagsabi nun at nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang si Tim iyon!
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Ikaw anung ginagawa mo dito."
"Nothing, I just need to relax." Iwas nya ng tingen.
Lumapit ito sakanya.
"It's been five years then, mukhang marami ngang nagbago sayo."
Hindi kumibo si Phen.
"So how are you?"
"I'm fine, dyan kana." Sabay alis ni Phen.
"Okay, see you around."

---
Nagmamadaling nagligpit ng mga gamit si Phen dahil gusto na nyang umuwe.
"Phen, kanina pa kita hinahanap! Nako andyan si Tim at hinahanap ka nya .. gusto ka daw makausap, sabi ko hindi pwede."
"Okay na nagkausap na kame."
"O anung sabi nya? Anung pinag usapan nyo?"
"Wala naman. Mauuna na ko sayo umuwe a. Pagod kasi ko gusto ko na magpahinga."
"O sige. Andyan na ba ang driver mo?"
"Susunduin ako ni Josh."
"Okay sige hahatid na lang kita sa kanya, asan ba daw sya?"
"Sa lobby sya nag aantay."
"O sige tara." Sabay bitbit ng bag ni Phen.
"Thank you Jack."
"Maliit na bagay sis."
Nang nasa lobby na sila ay andun na nga si Josh na agad silang sinalubong.
"How's the launch?"
"Very successful." Sagot ni Jack.
"Good, una na kame Jack."
"Sige, take care." Sabay kaway pa nito.
At umalis na ang sasakyan.
Matalim naman na nakatingen sa papalayong kotse si Tim.

Itutuloy ...

Ang Probinsyana Kong FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon