Chapter Twenty Four

4K 117 9
                                    

Abala sa pag aayos ng mga pagkain sa mesa si Phen katulong si Pinang at iba pang kasambahay. Marami silang bisitang darating dahil sa piging na idadaos sa mansyon ng hacienda. Pasasalamat nila ito dahil sa magandang ani ng mga tanim sa buong hacienda.
"Darating kaya ang Pamilyang Bueno?." Pagtatanong ni Pinang.
"Siguro? Bakit mo naitanong Pinang?". Sabi naman ni Phen.
"Wala naman señiorita." Kinakabahang sabi ni Pinang.
"Weh? Magkwento ka kase saken Pinang." Sabi ni Phen.
"Señiorita kasi .." kinikilig na sabi ni Pinang.
"Alam ko na ! Ikaw Pinang a!". Makabuluhang sabi ni Phen.
Maya maya ay lumapit si Doña Luisita sakanila.
"O mga dilag, maayos na ba dyan?"
"Opo Lola." Sagot nilang dalawa
"O sige pupunta muna akong kusina." Paalam nito.

---
"Malapit na rin tayo sa wakas!"
"Yeah."
"Mukhang abala ang mga tao dito a, tignan mo Tim andaming prutas o!." Turo ni Mommy Ali sa mga prutas na inaayos ng mga tao sa tabing daan.
"It's good to see na masagana ang ani nila."
"Mukhang enggrande ang celebration nila a. Siguro mayaman din talaga yung may gusto kay Phen."
"Really? Tsk pero baka mas gwapo naman ako." Pagmamayabang ni Tim.
"Ay oo naman son! Ikaw ang pinakagwapo kong anak noh!". Bawi ni Mommy Ali.

---
Nagsisidatingan na ang mga bisita sa mansyon. Abala ang lahat sa pagkain.
"Kamusta Miss Sandoval." Bati ni Ramon Bueno.
"Mabuti naman Ramon, Pinang samahan mo nga si Ramon para kumuha ng pagkain. Sabayan mo na rin sya kung gusto mo."
"Sandali lang. Ayoko muna kumain gusto pa kita makausap e."
"Tayo na Ramon." Sabay hila ni Pinang.
Naiirita si Phen kay Ramon kung makatingen kasi ito sakanya ay akala mo lechon sya gustong gustong lantakan ni Ramon. Hindi naman sa panlalait pero di niya ito type. May angkin din naman itong kagwapuhan pero hindi niya talaga ito gusto. Pero si Pinang ay gustong gusto ito. Para itong naiihi kapag nagkukuwento tungkol kay Ramon.
Masayang masaya ang mga tao sa kanilang piging.
Masaya naman si Phen pero minsan di nya talaga maiwasang isipin si Tim. Di niya ikakatwa na namimiss na nya ito. Pumunta sya sa hardin at doon kumain mag isa. Di niya namalayan na sinundan pala sya ni Ramon.
"Bakit parang ayaw mo akong makausap?" Panimula nito.
"Huh? Hindi naman sa ganon marami lang akong inaasikaso."
"So ngayon pwede na siguro?" Sabay upo nito sa tabi niya.
"May gagawin pa pala ako maiwan na kita." Sabay tayo ni Phen pero hinawakan sya ni Ramon sa kamay.
"Samahan mo muna ako dito." Hila sakanya nito.
"Ayoko, kailangan ko ng umalis dyan kana." Hila niya sa kamay pero hinawakan sya ng mahigpit ni ramon kaya naout balance sya at napahiga.
"Ano ba?!" Sigaw ni Phen.
"Ang arte arte mo pasalamat ka nga pinagtsatsagaan kita e!" Nanggigil na sabi ni Ramon.
"Wow a ! Ikaw pa talaga? Ang kapal ng muka mo! Dyan kana!". Sabay alis ni Phen pero nahawakan ulet sya ni Ramon.
"Halika nga ditong babae ka!" Sabay hila nito kay Phen.
"Bitawan mo ko ! Tsonggo ka! Ano ba!?". Pagpupumiglas ni Phen.
"Dapat nga matuwa ka kase makakatikim ka ng gwapo e." Akmang hahalikan nito si Phen. Wala naman nagawa si Phen kundi ang mapapikit na lamang dahil sa sakit na nararamdaman niya buhat sa pagkakahawak ni Ramon sakanyang kamay.
Ilang segundo pa ang lumipas ay walang labing dumampi sakanya. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nasa damuhan na si Ramon at dumudugo ang nguso nito. Para syang naistatwa ng makita si Tim sa harapan niya.
"How gentleman naman ng pinalit mo saken? Hindi makapag antay gusto na makascore." Nanggigil na sabi ni Tim.
"Huh? Ano kasi." Hindi malaman ni Phen ang sasabihin dahil sa pagkabigla.
"Hayop ka! Sino ka para gawin to?" Uubo ubong sabi ni Ramon.
"Dapat lang sayo yan! Tsonggo!" Sabay sipa ni Phen dito.
"Hey, bakit mo ginawa yun?"
"hindi naman yan ang pinagpalit ko sayo e ! Tsaka wala ka naman kapalit."
"What do you mean? Diba pamamanhikan nyan ngayon?"
"Pamamanhikan? Buong hacienda? At may piging pa ! Walang pamamanhikan .. sino naman nagsabi niyan sayo?"
"Mommy talaga o!" Kakamot kamot na sabi ni Tim.
"Teka nga muna .. diba umalis kana ? E bakit ka nandito?"
"Di ako natuloy e."
"Bakit?"
"Anong kaguluhan to?" Tanong ni Doña Luisita.
Nagsilapitan ang ilang bisita.
"My God anong nangyare sayo Ramon?"
"Binastos niya si Phen at yan ang premyo niya."
"Tama po. Pinagtangkaan nya po ako."
"Ano ka ba naman Ramon".
Umalis na ang mga Bueno at di na nagpaalam pa marahil sa kahihiyang ginawa ni Ramon.
"Salamat Tim." Sabi ni Phen ng mapag isa silang dalawa.
"It's okay."
"Bakit nga pala di ka natuloy?"
"Ano kasi."
"Timothy Montemayor! Ayusin mo na yan !" Sigaw ni Mommy Ali.
"Yes Mom! Because of you." Bulong ni Tim. Para namang nakiliti si Phen dahil sa kilig
"Me? Ako ? Bakit ? Anong ginawa ko?"
"Hindi kita kayang iwan hanggang di ko nasasabi sayo na mahal kita."
"Mahal moko?"
"Halika nga dito." Sabay hila niya kay Phen at hinalikan. Nanlaki ang mga mata ni Phen sa ginawa ni Tim.
"Te-ka, bakit moko hinalikan?"
"Ang daldal mo kasi e! Dami mong tanong. Now ako naman ang magtatanong .. Phenelope Sandoval will you be my fiance? For real?" Sabay luhod nito hawak ang isang diamond ring.
"Fiance agad? Di ba pwedeng girlfriend muna?"
"Bakit ayaw mo?".
"Gusto syempre. Mahal din naman kita e."
"Yun naman pala e. Dun din naman pupunta yun e kasi di na kita pakakawalan." Sabay yakap nito kay Phen.
"Salamat Tim." Umiiyak na sabi ni Phen.
"Wag kana umiyak, andito na ko .. sorry kung natakot akong umamin sayo ikaw kasi e pakipot ka."
"Di ako pakipot, duwag ka lang talaga." Sabi ni Phen.
"Duwag pagdating sayo." Sabay halik kay phen.

Itutuloy ..

Pasensya na kung bitin bawi na lang po ako sa book 2 promise .. Salamat!

Ang Probinsyana Kong FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon