PREBIYU

780 13 4
                                    

Naramdaman mo na ba yung feeling na napakasaya mo kasi alam mo sa sarili mo na konting tiis nalang ay darating na ang pinakahihintay mo?

Labing walong taon mong hinintay ang araw na yun simula ng ikaw ay isilang..

As in yung sobrang lapit na....

Ilang oras nalang ang hihintayin mo..

TT_TT

Konti nalang talaga!

Nananabik ka, masaya, kinakabahan, halo-halo ang nararamdaman mo..

Pagkatapos mong magdebut, marami pang ibang bagay ang darating..

Kaya masayang-masaya ka!

^__^

Sobrang lapit na..

Yung malapit mo ng marating ang gusto mong puntahan?

Yung malapit mo ng makamit ang mga pangarap mo?

Yung malapit mo ng makuha ang diplomang inaasam mo?

Yung malapit mo ng pakasalan ang lalaking tinitibok ng puso mo?

Yung malapit mo ng isilang ang panganay na anak mo?

Pero echos lang! Di kasali yung anak ha.. 

Bata pa po ako.. Haha!

>.<

Pero hanggang doon nalang muna...

Dahil sa sobrang lapit, nahihirapan kang abutin yun!

Dahil sa isang iglap, maglalaho ang lahat ng inaasam mo!

Dahil sa isang balita, pasan mo ang daigdig!

Dahil sa isang salita, nagunaw ang mundo mo!

Dahil sa isang daang araw, matatapos na ang buhay mo!

Dahil sa may taning na ang buhay mo...

--_--

Paano mo haharapin ang mga darating pang araw? Kung alam mong unti-unting nauubos ang oras mo dito sa mundo?

Paano mo sasabihing magiging maligaya ka? Kung araw-araw mong maiisip na dahan-dahang natutunaw ang kandila ng buhay mo?

Paano mo tatanggapin ang lahat? Kung alam mong isa sa mahalagang parte ng buhay mo ay nagdurusa ng dahil sa'yo?

+_+

Muntik ko ng makalimutan..

Ako nga pala si JODI MARIE ROMERO. Ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Romero Group of Companies.

Opo! Isa sa pinakamayamang angkan dito sa Pilipinas ang aking pamilya. Isang tanyag na negosyante ang aking mga magulang kaya umaasa sila na ako ang magpapatuloy ng kanilang nasimulan. Magpapalago ng aming negosyo.

Paano ko nga ba yun ipagpapatuloy kung may isang daang araw nalang akong natitira dito sa mundo? 

Paano ko tatanggapin naiiwan ko na ang nag-iisang lalaking pinakamamahal ko? 

Samahan ninyo ako sa aking paglalakbay sa mga natitira ko pang mga araw at kung sino-sino pa ang aking makikilala at magiging parte ng buhay ko.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Naisip ko lang itong kwentong 'to habang nakatulala dito sa kinauupuan ko!

Ewan ko ba kung bakit basta naisip ko lang na isulat yan.

Siguro, nababaliw na ako!

TToTT

Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko!

HAHAHAHAHA!

Yung update, sa susunod nalang ha kapag natulala na naman ako! +____________+

Vote. Comment. Be Fan. Patience.

PASSING TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon