KABANATA 5

142 3 0
                                    

A/N: I'm so sad right now. I can still feel it. She's hurt. :(((

It's a big revelation and I hate seeing her cry like it kaya super sad din ako ngayon!!

It's really hard to let go of the person you love but it's harder to let go of the person who never been yours. 

I just wish that she'll be okay! At the right perfect time, everything will be alright!

_____________________________________________________________________________

Nailibing na si Daddy. Nakalabas na din naman ako ng hospital pagkatapos kong operahan. Sabi ng doctor hindi daw iyon kasiguraduhan na magiging okay ako kasi nga nasa stage 4 na ang breast cancer ko. Pero nagpapasalamat pa din ako kasi nadugtungan ang buhay ko.

Sabi ni Yaya Flor, lage daw nagkukulong ng kwarto si Mommy. Gusto ko sana siyang samahan pero natatakot akong mas lalo siyang madepress kapag nakita niya ako. Minabuti ko nalang na manatili dito sa kwarto ko. Lumalabas lang ako kapag bored na ako dito. Dito na nga rin ako kumakain sa kwarto. 

"Wala ka bang balak lumabas dito Jodi? Puntahan mo Mommy mo. Kailangan ka niya ngayon." Sabay upo ni Yaya Flor sa tabi ko. 

"Ya, natatakot po kasi ako." Natatakot akong makadagdag sa sakit na nararamdaman ni Mommy ngayon. "Dito nalang po ako."

"Sige." Kinuha niya ang pagkain na nilapag niya sa table dito sa terrace ng kwarto ko. "Ikaw bahala. Kumain ka na. Para makainom na din ng gamot."

Sinusubuan ako ni Yaya habang kumakain. Hindi ko kasi kayang igalaw ang kamay ko. Nanginginig kasi. Epekto daw kasi ito ng gamot ko tsaka masyado pa akong mahina. Lage nga gulay ang pinapakain ni Yaya sa akin eh para daw bumalik agad ang lakas ko.

"Kumain ka ng marami." Sabay subo niya sa akin." May bisita ka mamaya diba?"

Muntik ko ng makalimutan. Tumawag nga pala si Miggy kahapon na pupunta siya dito ngayon. "Oo nga po pala." Napasmile naman ako bigla.

"Kinikilig ka?" Nagulat naman ako sa tanong ni Yaya Flor. Ako kinikilig? Saan naman kaya? "Kung makangiti ka dyan ah."

"Yaya naman eh." Di na ba ako pwedeng ngumiti? HAHAHA. "Excited lang ako Ya."

"Oh siya sige." Patuloy naman siya sa pagsubo sa akin. "Kumain ka pa para malakas ka pagpunta ng prince charming mo dito."

Ito talagang si Yaya Flor pala biro. Prince charming daw! Teehee. Natatawa talaga ako. Ang lakas makatukso ni Yaya. Nakakalimutan ko tuloy na may sakit ako at malapit ng mamatay. Tsk.

Pagkatapos kong kumain, uminom na ako ng gamot. Naligo na at naghanda kasi any moment darating na si Miggy. Excited talaga ako. Gusto ko siyang makita talaga. Miss ko na siya sobra!

"Jodi, may dumating na sasakyan oh." Tinulak ni Yaya ang wheelchair ko sa may terrace para makita ko kung sino ang dumating. "Si Miggy na siguro yan!"

"Kinakabahan ako." Tumingin ako sa parking lot namin. Kotse nga ni Miggy. "Yaya, magugustuhan pa din kaya niya ako kapag nakita niya akong ganito?"

"Jodi." Humarap sa akin si Yaya Flor. "Kung totoong mahal ka niya, hindi niya titignan ang kalagayan mo. Mamahalin ka niya ng buong-buo."

"Paano kung.." Napatigil ako ng yakapin ako ni Yaya. 

"Tama na ang mga paano na yan Jodi. Isipin mo nalang na andito si Miggy, binisita ka kasi mahalaga ka sa kanya."

Niyakap ko din si Yaya. "Thank you Ya." Thank you dahil lage siya andito sa tabi ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko. Tulak-tulak pa din ni Yaya ang wheelchair na inuupuan ko. Nahihiya at natatakot man ako pero wala na akong magagawa. Tama si Yaya Flor. Dapat ang isipin ko ngayon ang moment na andito si Miggy.

Nang nakababa na kami, nakita ko si Miggy nakaupo sa sala. Kakabigay lang ng isang katulong namin ng maiinom niya. Napatingin naman siya sa akin ng makita ako at ngumiti. Kahit kelan talaga ang gwapo niya. Nginitian ko naman siya. 

"Maiwan ko muna kayo. Tawagin mo lang ako Jodi kung may kailangan ka." Sabay alis ni Yaya Flor. Naiwan na kami ni Miggy dito sa sala.

"Kamusta kana Jo?" Tumayo naman si Miggy para lumapit sa akin.

"Eto." Masaya at nakita kita. "Nakawheelchair, may sakit." Tapos nginitian ko siya. Nakatingin lang din naman siya sa akin. Naaawa kaya siya sa akin?

"Kahit anong mangyari Jo, andito lang ako para sayo." Hinawakan niya ang kamay ko habang sinasabi yun. I'm so touch sa mga sinabi niya. :"">

"Thank you Migz." Swerte ko talaga kay Miggy. 

 Kaya ayun, nagkwentuhan lang kami buong maghapon. Kung ano-ano lang ang napag-usapan namin. Tawa lang ako ng tawa sa mga jokes niya. HAHA. Di namin namalayan na gumagabi na pala. Dito ko na nga sana pakakainin ng hapunan si Miggy kaya lang nahihiya daw siya kay Mommy kaya sa bahay nalang daw nila siya kakain. Babalik na lang daw siya sa susunod na araw.

PASSING TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon