KABANATA 2

275 5 6
                                    

A/N: Aish! Lage nalang ako wala sa mood pero nasa mood ako magUD >:))

Nakakainis lang! Shocked pa din ako hanggang ngayon.. Kasi naman eh.. Namamaos na ako kakadaldal dito. Alam nyo ba yung isang relasyon na walang patutunguhan? Yun! Yun ang nangyayari sa akin ngayon. Tss. Kabaliwan na ito!!!

Comment na guys sa mga may comment. Kung sino din gusto na idedicate ko itong chapter, comment na din kayo.. HAHAHA :D

____________________________________________________________________

Pagdating namin ng hospital, dumeritso na kami ni Yaya Flor sa clinic. Kinakabahan na talaga ako super. Hindi ko na maipaliwanag. Pati si Yaya, namumutla na nga oh. Alam nyo ba yung parang siya yung may sakit? Siya yung kinakabahan? Aish!

Umupo na ako sa harap ng doctor. Katabi ko pa din si Yaya Flor. Hawak niya ang isang kamay ko. Seryosong nakikinig si Yaya sa mga sinasabi ng doctor pero ako.. Ewan ko! Parang lumalaboy yung isipan ko eh. Kalahi siguro 'to ni Dora the Explorer kung saan-saan napupunta.

"PO?" Nagulat ako ng magsalita si Yaya. Napatingin tuloy ako sa kanya. Yung doctor naman napahinto sa kakasalita niya. Ano na ba ang pinag-uusapan nila? "Ano pong pwedeng mangyari doc?"

"Gaya ng sabi ko, nasa Stage 4 na ang Breast Cancer niya." Breast Cancer? Ako ba ang tinutukoy ng doctor? "Pwede natin siyang ipa-chemotherapy pero it doesn't mean na gagaling na siya."

"Doc?" Sumabat na ako. Hindi ko na kasi maintindihan ang pinag-uusapan nila eh. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" Nakita ko naman na tumutulo na ang luha ni Yaya Flor.

"I'm sorry Jodi but you have a Breast Cancer, aside sa sakit po sa puso." OMGosh! Is this really happening? Pinaparusahan ba ako? "I need to talk to your parents about this. Kailangan nilang malaman ang tungkol dito."

Hindi na ako nakapagsalita. Nasa stage of shock pa din ako. Sila na ni Yaya ang nag-uusap. Kung ano ang dapat gawin, yung sa mga gamot, etc. 

Nakalutang pa din ang utak ko habang papauwi na kami ni Yaya. Yakap-yakap niya ako habang nasa kotse kami. Ewan ko ba kung bakit hindi ako umiiyak, eh si Yaya kanina pa yan umiiyak eh. Siguro natuyo na 'tong luha ko. Pagdating namin ng bahay, dumeritso na ako sa kwarto ko. Ayaw ko kasing kumain, wala akong gana. Hinayaan nalang muna ako ni Yaya makapag-isa. Kailangan ko din naman kasi makapag-isip.

*knock* *knock*

"Pasok po." Nakita ko naman na pumasok si Mommy. "Yes Mom?" Umiiyak ba siya? Alam na kaya niya?

"Jodi, anak." Umiiyak siyang lumapit sa akin. Napaupo naman ako sa kama ko. "I'm so sorry. Nakausap ko yung doctor."

"Po?" Si Doc talaga oh. Dapat ako yung magsasabi kay Mommy eh. "Okay lang naman po ako Mommy------ Aray!!" Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi lang kasi siya kumikirot eh, sumasakit na talaga siya.

"Anong nangyayari sa'yo?" Nataranta naman si Mommy. "Sumasakit ba?"

"Huhu. Mom.. Ang sakit!" Shh.. Bakit ba ngayon pa 'to sumakit? Nakakainis naman oh. TToTT

"Dadalhin kita sa hospital." Pinahiga niya muna ako sa kama ko. "Flor!! Dali po!! Tumawag kayo ng ambulance.."

Nagmadali namang tumawag ng ambulance si Yaya Flor kasi after 5 minutes dumating na ang ambulance. Sumasakit pa din talaga ang dibdib ko. Tss. Mamamatay na kaya ako?

Pagdating sa hospital, agad akong dinala sa Emergency Room. Bigla naman akong nawalan ng malay. Siguro dahil sa nilagay nilang gamot sa dextrose ko. Kaya ayun, hindi ko alam ang ginawa nila sa loob ng ER. Nagising nalang ako na nasa loob na ng private room.

PASSING TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon