A/N: Salamat po sa inyong pagbabasa nitong kwento ko.
Sa totoo lang po ay hindi ko na alam ang isusunod ko dito kaya napag-isipan ko ng tapusin ito.. Hahaha. Isang chap nalang po! ^^,
Sana po ay nagustuhan niyo.. Kahit slight lang! :""">
Ingat po tayong lahat.. Godbless :))
_____________________________________________________________________________
Nagising ako. Nakaupo sa sahig. Paano ako napunta dito sa sahig? Anong nangyari? Agad akong tumayo at ang bumungad sa akin ang sarili ko. Nakita ko na nakahiga ako at.. tulog? Tulog ba talaga ako?
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Yaya Flor na hinihingal. Tumatakbo papasok ng kwarto kung saan ako nakahiga. Ngunit dinaanan lang niya ako. Tumagos siya sa kinatatayuan ko. Tumagos siya sa katawan ko. Nakasunod sa kanya ang mga doctor. Umiiyak si Yaya habang nakatingin sa akin. Yung mga doctor naman busy sa paglalagay ng kung ano sa katawang lupa ko.
tooooooooooooooooooooooooot..
"I'm sorry, misis." Yan ang narinig kong sambit ng doctor. At tinakpan na nila ng kumot ang buong katawan ko. Patay na ba ako?
"HINDI!!!" Pasigaw na sagot ni Yaya Flor. Umiiyak siya na nakayakap sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Doon ko lang napagtanto na patay na talaga ako. Patay na ako dahil hindi nila ako nakikitang nakaayo.
Naaawa ako kay Yaya Flor. Labis ang iyak niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. All this time, sa kanya ako kumukuha ng lakas para mabuhay. Kaya din siguro hindi siya umiiyak sa harapan ko. Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko siyang nagsalita.
"Jodi, anak ko." Hikbi. Bakit mo ako iniwan? Hindi ko man lang nasabi sa'yo ang totoo. Hindi mo man lang nalaman na ako ang totoo mong ina." Huhuhu. :((((
WHAT??? Si Yaya Flor ang totoo kong ina? Ampon lang ako? Kaya pala parang walang pakialam sina Mommy at Daddy sa akin. Kaya pala labis na lang ang mag-aalaga ni Yaya Flor sa akin kasi ako ang nawawala niyang anak. Ako ang matagal na niyang hinahanap na anak.
Hindi ko alam pero biglang nanlumo ako at nawalan ng lakas ang aking mga binti. Napaupo ako ulet sa sahig. Naiiyak ako pero wala namang luha na lumalabas sa mata ko.
"Anak, patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko sa'yo. Sorry dahil nilihim ko ang lahat. Sasabihin ko naman talaga sana eh kaso naunahan ako ng takot baka hindi mo ako matanggap."
Siguro sa simula magugulat ako pero sa lahat ng oras at pag-aaruga at lalong lalo na sa pagmamahal na binigay ni Yaya Flor sa akin, may hihilingin pa ba ako?
"Mahal na mahal kita, Jodi. Maligayang kaarawan sa'yo." Alam ko yun. "At kahit anong mangyari mamahalin pa din kita anak. Sana nasa magkaroon ka ng katahimikan kung nasan ka man ngayon."
"Sana maligaya ka. Kasama mo na ang MayKapal ngayon. Hindi ka na mahihirapan anak."
"Sana mapatawad mo din ako."
Maligaya ako, Nay, dahil nalaman ko ang lahat. Mahal na mahal din po kita. At salamat sa lahat.
Bumukas ang pinto. Laking gulat ko sa nakita ko. Si Miggy yung dumating. Anong ginagawa niya dito?
"Jo? Yaya, anong nangyari?" Humihingal pang tanong ni Miggy kay Nanay Flor.
"Wala na siya, Miggy. Iniwan na tayo ni Jodi."
"NO!!" Gulat at pasigaw na sagot ni Miggy. Hindi ba niya matanggap na wala na ako? "Diba Jo, magsasayaw pa tayo sa debut mo? Ngayon na yun oh. Debut mo na. Diba sasagutin mo na ako ngayon? Ang daya mo naman eh. Nang-iiwan ka naman."
Sorry Miggy. Hindi ako ang nararapat sa'yo. Hindi ko nga natupad ang pangako ko na sa debut kita sasagutin. Makakahanap ka din ng ibang babae na mamahalin mo.
Bigla naman bumukas ang pinto at may dalawang lalaki na pumasok.
"Ma'am, Sir, dadalhin na po namin ang bangkay para maimbalsamo" Hindi naman bumibitaw si Nay Flor at Miggy sa pagkakayakap sa akin. ayaw ba nila akong maimbalsamo? Naku! Babaho ako niyan.
"Pre, balik nalang tayo mamaya." Sabi naman nung isang lalaki doon sa kasama niyang lalaki na kukuha sa aking bangkay.
"Babalikan nalang po namin, Ma'am." Hindi sila sinagot ni Nay Flor. Lumabas na sila ulet ng kwarto.
Nakakaawang pagmasdan na umiiyak ang dalawang taong mahal ko ng dahil sa akin. Pero wala na naman akong magagawa. Tapos na ang tungkulin ko dito sa mundo. Kukunin na ng Panginoon ang pinahiram niyang buhay sa akin. Sana po ay maging maligaya sila kahit wala na ako. Paalam.
*
![](https://img.wattpad.com/cover/1627782-288-k170673.jpg)
BINABASA MO ANG
PASSING TIME
Diversos(COMPLETED) Short story......... For short minded like ME! ^^,