A/N: Dahil sa na stressed ako, magUD ako ngayon.. +_+
Kasi naman eh, naawa ako dito sa kwentong 'to. One page pa lang!
HAHAHAHAHA :D
Salamat nga pala sa mga nakabasa na, bumabasa, magbabasa pa at may planong bumasa ng kwentong ito na likha lamang ng aking pagkatulala. Teehee.
Oh basta ito na! Wag lang masyadong mag-expect ng kung ano dito ha, basta kung ano lang pumasok sa utak ko, yun ang sinusulat ko kaya kung may opinyon kayo, bukas ang comment box. Nyahaha! XD
Love ko kayoooooo...
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lahat ng gusto ko nakukuha ko.. Lahat ng hingin ko binibigay ng mga magulang ko. Ganun nila ako ka mahal. Well, oo mahal nila ako pero sa tingin ko para na din kahit papaano binibigay nila yung mga gusto at luho ko kasi yung oras na hinihingi ko sa kanila hindi nila maibigay. Lagi nalang kayang si Yaya Flor ang kasama ko. Para ko na din kasi siyang pangalawang ina. Siya nga yung nagpalaki sa akin eh. Sarili kong ina, wala noong lumalaki ako! >.<
Kahit naman si Yaya Flor lang ang lagi ko kasama habang lumalaki ako, lumaki naman akong isang masayahing bata. Normal lang din ang buhay ko, may mga kaibigan at kalaro, nag-aaral ng mabuti baka mapagalitan ng magulang, at lalo sa lahat may takot sa Panginoon. Yan kasi lagi pinapaalala sa akin ni Yaya eh kaya hanggang sa lumaki ako, dala-dala ko yun.
Dahil sa nagmula ako sa mayamang angkan, syempre nag-aaral din ako sa mamahaling eskwelahan. Pero hindi dahil sa mayaman kami hindi na ako mag-aaral ng mabuti. Of course not! Isa yata ako sa mga matatalinong mag-aaral dito sa University at member din ako ng swimming team namin. Kaya naman proud na proud sa akin sina Mom at Dad eh pati na nga si Yaya Flor lagi sinasabi sa akin na proud daw siya na ako ang alaga niya. Oh diba?
Pero yun ay bago namin malaman ang kalagayan ko. Yung bago ako naospital dahil sa sakit ko sa puso, isama na din yung breast cancer ko. Bata pa lang ako nalaman na namin na may sakit ako sa puso pero sabi ng doctor hindi naman daw ganun ka complicated. Nito lang ng madiagnosed ako na may breast cancer ako. At yun ang ikinamatay ko!
Sisimulan ko ang kwento ko sa sarili kong buhay noong buhay pa ako ha. Yep, yep! Tama ka, patay na ako ngayon at ikukwento ko sa inyo ang mga pangyayari bago ako mamatay, yung nalalabi kong isang daang araw!!
*
"Jodi, bangon ka na kasi....." Sabay yugyog nya sa balikat ko. Lagi kasi nahihirapan si Yaya Flor sa akin kapag ginigising na niya ako araw-araw, umaga-umaga. Kasi naman noh, ang sarap kaya matulog. Teehee.
"Yaya, 5 minutes more." Nagtaklob naman ako ng kumot. Pikit pa din mga mata. Kasi naman, isang 5 minutes pa. Antok pa talaga ako.
"Ilang 5 minutes na ba ang lumipas Jodi? 30 minutes na kaya oh." Sabay tingin ni Yaya sa wall clock dito sa kwarto ko. Tapos niyuyugyog na naman niya ako.
"Last nalang Ya.." Taklob pa din ng kumot. Last 5 minutes nalang talaga. "Please?"
"Tsk!" Nakapamewang na si Yaya. Tumigil na din siya sa pagyugyog sa akin. "Kung ayaw mo bumangon dyan, tatapunan kita ng tubig. Sige ka!" Hindi naman ako sumagot. Tulog pa kasi ako, 5 minutes nalang. "Lagot ka kay Manang, siya yung maglalaba ng bedsheet mo." Halaa!! Nanakot si Yaya Flor ah. Alam naman niyang ayaw ko ng ganun.
"Opo. Sige na!" Kaya eto, babangon na! Laki naman ng smile ni Yaya kasi alam niya nanalo na naman siya. Tss.
"Yan, dapat ganyan." Naglakad na siya palapit sa pinto. "Maligo ka na at sumunod na sa akin sa baba. Ihahanda ko lang ang breakfast mo." Binuksan na niya ang pinto.