A/N: Ahay! Weekend naaaaaaaa. Ito ang pinakahihintay kong sandali.. Chos! >:D
Dahil sa isang tulak nalang ay mapapaos na ako, magUD nalang muna 'ko.. Antok na ang lola nyo! Pero bago ko matulog, type type muna..
Happy weekend everyone.. Ingat kayo lage ha? :"">
_______________________________________________________________________
Isang linggo na ang nakalipas simula noong lumabas ako ng hospital. Hindi ako pinapalabas ng bahay dahil baka daw bigla akong manghina kaya eto lage nalang akong nasa kwarto ko. Hindi na nga din ako pumapasok sa University eh.
Kahit hindi na ako pumapasok, hindi ko naman namimiss si Miggy kasi halos araw-araw siyang pumupunta dito para bisitahin ako. Consistent talaga siya sa panliligaw sa akin. Kung tutuusin, para ko na talaga siyang boyfriend pero unofficial nga lang.
Dito ako ngayon sa sala, kakauwi lang kasi ni Miggy eh. Hinihintay ko naman dumating si Dad at Mom. This past days, lage na umuuwi si Daddy pero hindi sila magkasabay. Ewan ko nga eh kung bakit. Iisang opisina lang naman ang pinapasukan nila.
"Ya?" Lumapit si Yaya Flor sa akin habang nilalagay yung baso na pinaglagyan ng juice ni Miggy kanina para iligpit na. "May problema ba sila Mom at Dad?"
Nagulat naman ata si Yaya sa tanong ko. Napatingin kasi siya sa akin na parang gulat na gulat eh. May tinatago kaya sila sa akin?
"Bakit mo naman natanong yan, Jo?" Umupo naman siya sa tabi ko. "May napapansin ka bang kakaiba?"
"Eh kasi Ya, hindi naman sila ganyan eh." Ang ibig kong sabihin noon kasi lage sila magkasamang umuwi at pumasok sa office. Ni halos hindi nga sila naghihiwalay eh. Tapos ngayon, halos hindi na talaga nag-uusap. Kung mag-usap man parang casual na usapan. Yung parang magbusiness partner lang. "Nag-aaway ba sila?"
"Hindi ko alam." Napalunok naman siya ng laway. Sa tingin ko may alam talaga si Yaya na ayaw lang niyang sabihin sa akin. "Sila nalang tanungin mo. Maya-maya darating na din sila."
Tapos tumayo na siya at nagpunta sa kusina dala yung niligpit niya. Totoo nga ang sinabi ni Yaya. Kasi maya-maya may narinig akong kotse na dumating at sa tingin ko pumarada sa harap ng bahay. Siguro si Mommy yan kas isiya naman lage nauunang umuwi kesa kay Dad eh. Bumukas naman ang pinto.
"Hi Mom." Nakita ko kasi si Mommy pumasok eh. "Ang aga niyo ata? Si Dad po? Bakit hindi kayo magkasama?"
Naglalakad naman siya papalapit sa'kin. "Oh Jodi, bakit ka andito? Kumusta na pakiramdam mo?" Hinalikan niya ako sa noo at nagmano naman ako sa kanya.
"Okay naman po ako Mommy." Tinignan ko siya. Parang pagod na pagod si Mom pero hindi halata kasi ang ganda pa din niya. "Si Dad po? Nasa office pa din?"
Tumango siya. "Baka pauwi na din yun. Si Flor?" Tumingin siya sa bandang kusina. "Teka Jodi, kakausapin ko lang si Flor."
"Sige po Mom." Pumunta na siya ng kusina. Ano kaya ang pag-uusapan nila? Hmm.. Yaan na nga lang sila. Hihintayin ko nalang si Dad makauwi.
Pagkalipas ng 30 minutes, lumabas si Mommy galing kusina. Tagal naman nila nag-usap. Ngayon, curious na tuloy ako kung ano ang pinag-usapan nila.
"Jo, akyat muna ako sa taas ha? Magbibihis lang ako." Tumango lang ako at umakyat na nga sa hagdan si Mommy papuntang kwarto nila ni Daddy.
Dahil isa kaong dakilang curious, nagpunta ako sa kusina. Nakita ko si Yaya Flor umiiyak. Halaa. Bakit kaya? Dahil ba sa pinag-usapan nila ni Mommy kaya umiiyak si Yaya? Nilapitan ko naman siya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. First time kong nakita si Yaya na umiyak. Parang dinudurog ang puso ko. Niyakap ko si Yaya. Nagulat nga siya sa ginawa ko eh.