KABANATA 6

126 4 0
                                    

A/N: Wala akong magawa ngayon.. Vacant ko kaya UD muna! :))

Salamat po sa mga walang sawang sumusubaybay sa kwento ni Jodi na kahit ako hindi ko alam kung saan ito hahantong.. Hihihi!

Kayo po ay mag-ingat at huwag po nating kalimutan magdasal ^_^

_____________________________________________________________

 Nagugutom ako kaya nagpunta ako ng kusina. Hinahanap ko si Yaya Flor kaya lang hindi ko siya mahanap. Ang hirap pa naman nitong naka wheelchair ka. Buti nalang may nakita akong sandwich nasa lamesa kaya lang hindi ko abot. Pinilit ko itong abutin kasi nga gutom na gutom na ako.

"Jodi!!" Narinig kong sigaw ni Mommy. Boses kasi ni Mommy ang narinig ko. Bigla tuloy akong nahulog sa wheelchair ko dahil sa pagpumilit ko na abutin yung sandwich at sa gulat na din.

"Araaayy.." Ang sakit ng paa ko. Pati na din yung kaliwang braso ko.

"Naku!!" Agad lumapit si Mommy sa akin para tulungan ako sa aking pagkahulog sa wheelchair. "Jodi, nasaktan ka ba?"

"Hindi naman po Mommy." Kahit masakit na talag ang mga braso at paa. "Okay lang po ako Mom."

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Tanong nya pagkatapos niya akong ipaupo ulet sa wheelchair ko. "Asan ba kasi si Flor?"

"Hindi ko din po alam Mom. Kanina ko pa po siya hinahanap." 

"Eh anong ginagawa mo dito?" Hindi ako nagsalita, tumingin lang ako sa sandwich na nasa lamesa. "Nagugutom ka?"

"Opo." Gusto kong sabihin kanina pa akong gutom kaso baka pagalitan ni Mommy si Yaya Flor pagnagkataon.

"Oh eto na." Sabay abot ni Mommy sa akin nung sandwich. "Ipatitimpla kita ng juice. Saglit lang."

First time sa tanang buhay ko, pinagtimpla ako ni Mommy ng juice. Ipaghanda nga nya ako ng pagkain, hindi pa niya nagagawa. Buti nalang din wala si Yaya Flor. Hihihi.

PASSING TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon