KABANATA 1

273 6 2
                                    

A/N: Wala akong magawa kaya magUD ako dito.

Ang dami kasing nangyari this past days kaya ayoko isipin. Ang sakit sa dibdib. Tsk!

Sana okay po ang lahat! Enjoy the rest of the week >:)

________________________________________________________________________

"Jodi, akala ko ba tumigil ka na sa paglangoy?" Umupo naman siya sa upuan sa harap ko. Akala ko naman umalis na siya. Tss. Hindi tuloy ako makakapagsinungaling kay Mommy.

Pinapatigil na niya kasi ako sa paglangoy kasi daw baka mapagod ako. Eh may sakit pa naman ako sa puso. Pero sa tingin ko naman okay lang yun kasi diba exercise din ang paglangoy? Kaya hindi ako tumigil. 

"Eh Mom.." Napatigil ako sa pagsubo. Napatingin din ako sa kanya. "Okay lang naman po ako. Gusto ko naman po yung paglangoy eh." Sana wag siya magalit.

Kinuha naman niya yung isang kutsara at nilagyan ng cream yung kape niya. "Kahit na! You should stop swimming." 

"Mom naman eh. Basta po ayaw ko!" Kahit na magalit pa si Mommy, ipagpapatuloy ko pa din ang paglangoy. "Sabi naman po kasi ni Dad okay lang."

"You're Dad doesn't know anything. Puro business lang niya ang inaalala niya at yung.." Napatigil naman si Mommy sa pagsasalita at napaiwas ng tingin sa akin. Halaaa. Anong gusto niyang sabihin? "Never mind. Basta tumigil ka na sa paglangoy!" Tumayo na siya at lumabas ng dining area.

"Mom!" Tss. Nakaalis na siya. Di ko na siya makita. Naman oh! Kapag si Dad okay lang pero si Mom ang hirap kausapin.

"Pagkatapos mong kumain, inumin mo 'tong gamot at vitamins mo." Nilapag naman ni Yaya Flor yung dalawang bote para sa gamot ko sa sakit ko sa puso at yung vitamins ko. Tsk. Ang laki-laki ko na may vitamins pa ko. Bakit ba naman kasi ako pa ang may sakit eh.

"Opo Ya." Ininom ko na yung milk ko na tinimpla ni Yaya kanina. "Ya? Bakit ganun si Mommy?" Napapaisip tuloy ako bakit siya ganun sa'kin.

Hinimas naman ni Yaya yung likod ko. "Intindihin mo nalang. Alam mo naman na kapakanan mo lang iniisip nya."

"Pero Ya!!" Kapakanan daw. "Dapat din naman niya akong intindihin diba?"

"Jodi." Umupo siya sa tabi ko. "Mahal ka ng mommy mo kaya dapat hindi ka nag-iisip ng kung ano-ano. Ginagawa niya lahat para sa'yo."

Tumango nalang ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Tama naman si Yaya. Dapat ko nalang intindihin si Mom ngayon. As in ngayon lang!

Kaya ayun, pagkatapos kong kumain, pumasok na ako. Wala ako sa mood buong araw. Hindi ko alam kung susundin ko si Mommy sa sinabi niya kanina at talikuran ko ang passion ko sa paglangoy. Aish! Ano ba gagawin ko? Ayoko tumigil sa paglangoy dahil lang sa inutos ni Mom.

Riiiingggg... Riiingggg..

[Daddy calling....]

Bakit kaya napatawag si Dad? Anong problema? Kaya sinagot ko na din bago pa mapunta sa voicemail ang tawag ni Dad.

"Hello Dad?" Bakit parang ang tahimik ng background ni Daddy? Nasa office pa din kaya siya hanggang ngayon? Hindi na nga siya umuwi kagabi eh.

"Baby, are you still in school?"

"Yes Dad. Bakit po?" Bakit kaya niya natanong?

"Nothing. I just want to check on you. Are you okay?"

"Yes, I'm okay. But Dad?" Hindi naman talaga ako okay. Tss. Kanina ko pa iniisip yung sinabi ni Mommy. Kainis! Binabagabag ako.

"Yes baby?"

PASSING TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon