EPILOGUE

166 7 9
                                    

A/N: Tinapos na talaga, eh noh? HAHAHAHA.

Masyado na kasi akong naaawa kay Jodi ee. Pero echos lang! :))))

Ingat po ang lahat. Stay blessed! ^___^

_________________________________________________________________________

Tatlong araw na ang lumipas, nasa mundo ng mga tao pa din ako. Siguro hindi pa ako kinukuha ni Papa God dahil may misyon pa ako. Misyon talaga eh noh? Ano naman kaya yun? Hmmm.. Naalala ko tuloy yung 100 Days To Heaven. Sana sa heaven ako mapunta. HAHAHA.

Andito ako ngayon sa bahay namin. Actually, kakagaling ko lang sa airport. Oo sa airport kasi hinatid ko si Miggy. Kahit hindi niya ako nakikita. :(( Pinasunod na kasi siya ng mga magulang nya sa ibang bansa para na din daw makamove on siya sa pagkawala ko. Masyado kasing naapektuhan si Miggy. Nakokonsensya tuloy ako. Sana makamove on at makalimutan na niya ako. Makakahanap din siya ng babaeng nararapat sa pagmamahal niya.

Dito nman sa bahay, si Nanay Flor umiiyak pa din maya't maya kapag naiisip niya siguro ako. Kawawa naman talaga si Nay Flor oh. Wala na akong binigay sa kanya kundi pasakit at kalungkutan. Hindi ako nararapat na maging anak niya. :'(

Riiiiiiiing.. Riiiiiiiiiing..

Lumapit ako sa kinalalagyan ng telepono. Sasagutin ko sana kaso tumagos lang ang kamay ko. Ayt! Patay na pala ako. Kainis naman oh. Lumapit naman si Nay Flor.

Kinuha niya yung telepono. "Hello?"

Pinupunasan niya ang luha niya.

"Bukas na bukas po ay aalis na ako. Babalik na lang po ako sa bukid namin Madam."

Aalis si Nay Flor? Akala ko ba wala na siyang pamilya? Sana yung bukid na tinutukoy niya?

"Opo Madam. Alam ko po yun. Hindi ko parin po nakakalimutan ang kasunduan natin. Huwag po kayong mag-alala, pagbalik nyo dito ay wala na ako."

Pinapaalis ni Mommy si Nay Flor? Hindi ko sila maintindihan. Anong kasunduan naman kaya yun? 

"Salamat po sa lahat, Madam. Opo. Paalam."

Binaba na ni Nay Flor ang telepono at umiiyak na naman ito. Nakita naman siya ni Aling Susan at nilapitan siya nito.

"Oh Flor, bakit ka umiiyak? Sino yung tumawag?"

"Si Madam. Uuwi na daw siya at ayaw niya akong makita sa pag-uwi niya." Hikbi.

"HA?" Parang hindi makapaniwala si Aling Susan sa narinig niya. "Bakit daw? Dahil pa rin ba ito sa kasunduan niya?"

Andyan na naman yang kasunduan na yan ah. Tungkol saan ba kasi yan? Nalilito na ako!!

Tumango lang si Nay Flor.

"Si Madam talaga oh. Namatay na nga si Jodi, kayamanan pa din niya ang iniisip nito."

PASSING TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon