CHAPTER 5 KATUWANG

2.5K 107 23
                                    

ROBERT

"Tahan na baby...tahan na...uyy...oh tingnan mo sila oh? Ang galing!"

Pinapatahan ko si Prince dahil
nakaalis na si Kuya Gerald para pumasok.

Ilang araw ka pa lang kinupkop,talagang napalapit ka na agad sa tiyuhin mo.
Kakaiba nga talaga si kuya.
Kahit pumayag siyang dito ako manatili sa bahay niya ay kinakapa ko pa rin ang ugali niya.

Wala akong alam sa kaniya bukod sa kapatid siya ni Elssie sa ina . Hanggang doon lang ang alam ko.

Naisip kong makitira nga sa kaniya ng makita ko siya ng ilibing si Elssie.
Naglakas na ako ng loob na lumapit para makalipat.

Matagal na akong pinalayas ng papa sa amin at kung saan-saang barkada na ako nakipanuluyan.

Okay lang sa mga kaibigan ko makitira, ang kalaban lang ay ang mga magulang nila. Lalo na kung wala ng maabot sa panggastos at pagkain.

Hindi naman ako maaaring tumigil kina Elssie dahil sa dami ding nakatira sa kanila, lalo pa at madali ako makikita ng tatay doon.

Naglakas na talaga ako ng loob na lumapit kay kuya Gerald dahil ito lang ang paraan ko para makatulong lalo na kay Prince Kevin.

Napakabata pa niya para maranasan ang hirap. Napakaswerte mo Prince dahil may tiyuhin ka na kumupkop sa iyo.

May 3,500 pa akong natitira sa pagkakasangla ko ng cellphone kaya may panggastos pa ako.
Naalala ko ang sabi ni kuya Gerald na huwag akong bibili ng hindi naman niya inuutos.

Pero kailangan ni Prince ng ilang gamit.

Bahala na,kay Prince naman ang bibilhin ko at hindi sa kaniya.

Hinintay ko lang si kuya Gerald na makaalis at nagtungo kami sa talipapa. Bumili ako ng bigas at ulam, isang lata ng gatas,diapers na mumurahin, pambatang poster,at iba pa.

Nagpaorder na rin ako ng lingguhang supply ng mineral water dahil hindi pwede na tubig gripo ang gamitin sa bata.

Pinautos ko na lang na edeliver sa bahay ni kuya Gerald ang order ko.

Habang tulog si Prince ay maingat ko namang nilinis ang kabahayan.
Nilinis ko ang paminggalang dahil sa dami ng ipis na nakita ko dito kagabi na dumadaan.

May nabili din akong bagong plato para sa amin ni kuya Gerald kasama na ang para kay Prince.Tinanggalan ng uling ang mga kaldero,kawali at takure. Maging ang kalang de bomba ay pinunuan ko na rin kerosene. Nagkalaman ang bigasang lata ng ilang kilo,inayos ang mga botelya at gatas sa lamesang natakipan ng bagong plastic na mantel.
Idinikit ko sa dingding ang apat na poster na pamabatang nabili ko. Mga alphabet,mga hayop,numbers at parts of the body.
Maging ang palikuran ay nilinis at pinadaan ko ng clorox upang mawala ang amoy nito.

Saktong dalawang oras ay natapos ko na ang mga gawain. Natuwa ako dahil kahit papaano,nagkaroon ng kulay ang loob ng bahay at sakto ring nagising si Prince.

Sinabayan ko kanina ng kain ng pananghalian habang nagdidikit kanina ng poster kaya maalagaan ko ng maayos si Prince.

Pinakain ko siya ng cereal na pambata at doon kami sa may lilim ng alatiris magtatambay. Nagpatulong na ako sa batang kapitbahay na ilabas ang lumang crib kaya hindi ko mayat-mayang karga siya.

May nakilala na rin akong mga kapitbahay. Inalam nila kung sino ako. Sabi ko na lang na kuya ko si Kuya Gerald.

Napansin ko na wala rin pinagbago ang lugar dito sa amin. Ang daming batang nagkalat. Libangan yata ng mga pamilya dito ang gumawa ng bata. Pansin ko din ang mga nanay na walang ginawa kundi ang tumambay at magbinggo,magkutuhan ng ulo ng kanilang mga anak habang simpleng nakikipagtsimisan.

LOVE YOU NEVER KNEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon