CHAPTER 1 SIGA NG BAYAN

6.6K 133 10
                                    

Nagkakagulo na naman sa barangay San Roque.

Tatlong mga kalalakihan ang nag-aaway.

Putok ang labi ng isa.

Ang isa ay sapo ang mata dahil sa isang matinding suntok na natanggap.

Hindi sila makaporma dahil sanay sa buntalan ang kanilang pinagtutulungan.
Si Gerald.

Hindi makaawat ang ilang mga tindera at miron ng talipapa ng kanto.

Ilang taon na ba nilang nasaksihan kung paano magalit ang siga ng baranggay. Pinanonood lamang sila ng mga ususero hangang sa mapatumba niya ang dalawang kumakalaban sa kaniya.

"Tarantado kayo!
Pipiliin nyo binabangga nyo dito!Tandaan nyo pagmumukha ko ha!Kung kaya nyo,kahit trayduran nyo pa ako tirahin, siguraduhin nyo lang kaya nyo!
Mga Gago!"

Isang huling salita ni Gerald sa mga nakahandusay na kaaway.

Gaya ng sa palikula ay huli ding dumating ang mga tanod para pagilin ang gulo. Dahil sa dalawang lalaki na nakasalampak sa espaltong kanto, si Gerald ang pinagbintangan agad ng mga ito na nagsimula ng gulo.

"Erald! Kakareklamo lang sa iyo noong isang araw mababaranggay ka na naman?!"

Sita ng justice officer.

"konsehal, hindi naman si Erald ang nagsimula ng gulo e. Yang dalawang yan ang nanggulo."

Sumbong ng isang tindera.

"Yang dalawang yan konsehal!
Tinabig nila paninda ko. Nag-iinarte na pangit daw ang isda ko at ang mahal. Pinagsabihan ko na wag silang ganoon magsalita at ang laki ng puhanan ko sa paninda. Aba minura ako! Ayun narinig ni Erald,e di sinampulan sila. Akala mo kung sino mga yan! Parang dayo lang ata dito sa atin-"

Pinigilan na ng konsehal ang tinderang galit na galit nagsusumbong.

Marami ang saksi sa pangyayari kung bakit nagkagulo.

Siga sa lugar ng San Roque si Gerald.
Alam nila ang kakayanan nito pagdating sa basag ulo.
Gumawa man ng kalokohan ay hanggang barangay lang at nakukuha sa areglo dahil takot sila kung paano rumesbak ang irereklamong binata.

Alam nila kung paano magtanim ng galit si Gerald.

Ulila sa magulang.
Panganay sa magkakapatid.
Sa edad na 23 ay namumuhay na siya ng solo sa dating barungbarong ng kaniyang nasirang ama.

Wala na rin ang kaniyang inang labandera na namatay dahil sa hika.

Marami silang magkakapatid.

Nasa 20.

Halos di na niya kilala ang ilan sa mga ito sa dami.

Mga kapatid sa ina na tatalong beses nakipisan sa sa ibat-ibang mga lalake para mabuhay.

Nung isilang ang ikatlo niyang kapatid sa ina ay namuhay na siya sa lansangan kasama ang mga barkada hanggang sa mapahiwalay na siya sa ina.

Ang kalye ang bumuhay sa kaniya bilang kargador ng talipapa.
Tagalinis ng jeep,tagakumpuni mg lung sno mang sira at construction worker.

Barkada ang kanlungan kung nagugutom kapag mahina ang kita sa pang-araw-araw.

Bubong na masisilungan,tubig na maiinom at makakain para sa kumakalam na sikmura ang mahalaga para sa kaniya.

Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Noon pa man ay nabuhay na sarili lang ang maasahan.

Para huwag apihin ay pinamukha niyang palaban siya hanggang sa magbinata.

LOVE YOU NEVER KNEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon