CHAPTER 17 ANG KATOTOHANAN

2.3K 102 12
                                    

GERALD

Ang sarap ng tulog ko.
Nagising ang buo kong katawan ng iunat ko ang aking mga bisig at binti.
Sinulyapan ko ang aking katabing nakayakap sa akin.

Tulog pa siya.
Hmm-napagod siguro kagabi. Paniguradong nagbantay na naman ito kay Prince ko.

Napansin kong gising na rin pala si Prince Kevin.

Nakatayo siya at nakatingin sa akin.
Nakakatuwa dahil ni hindi man lang siya umiyak ng magising.

Nangiti ako dahil tahimik lang talaga siyang nakatayo sa loob ng kaniyang crib at tila hinihintay lang niya kaming magising.

Parang ayaw niya kaming maistorbo. Bumangon ako at hinagilap ang hinubad kong short kagabi.
Palapit palang ako kay Prince alam na niya na kakargahin ko siya dahil nag-aabang na ang kaniyang nakataas na mga kamay at inosenteng ngiti sa akin.

"Ay ang anak ko naman..."

Ang ganda naman umaga ko.

Bumangon na rin si Robert.
Nagising yata ng bumangon ako.
Gaya ko ay wala din siyang suot na damit at agad nagbihis,humalik sa bata at sa akin.

Sa labi niya ako hinalikan.
Magiging normal balang araw sa akin ang halik niya tuwing gigising kami. Iba pala pakiramdam kung may kasama kang mahal.

Nagtungo siya sa banyo.
Narinig ko ang kaniyang pagbabawas at pagkatapos ay naghilamos saka lumabas at kinuha ang bata sa akin.
Ako naman ang nagbawas at naghilamos pagkatapos.

Paglabas ko ay naabutan kong nagtitimpla siya ng gatas para kay Prince. Lumapit ako at ako naman ang humalik sa kaniyang labi at saka hinalikan ang bata sa pisngi.

"Si Prinsipe lang meron,wala ako?"

Nangiti naman si Robert sa lambing ko.

"Teka lang po..."

Inabot niya ang bote ng gatas sa akin at pinakarga si Prince.

"Wait lang kuya ha..."

Naupo naman ako sa kawayang sofa habang pinapadede ko si Prince at si Robert naman ay inabala ang sarili sa pagluluto ng aming agahan.
May nabili kami kahapon na sliced bread at itlog. Inihain niya ang mga iniluto at ipinagtimpla ako ng kape.

Pinaupo niya ako sa harap ng lamesa at kumain. Siya nama'y umupo na rin sa kaniyang pwesto na kalong si Prince at pinakain ng baby food.

Abala pa siya sa pagpapakain sa bulinggit kaya ako na ang nagkusang palamanan ang tinapay ng itlog at subuan siya ng piraso nito.

Patay na ang pagkailang at hiya ko kung gawin ko ito kay Robert. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ngayon lang ako nagkaganito na hindi iniisip ang sarili. Na parang sa dalawang lalaking kasabay ko ngayon sa agahan ito iikot ang mundo ko sa maghapon...kay Prince at kay Robert.

Handa na nga akong kay Robert ko na ilaan ang lahat ng pagkatao ko bilang kasama niya. Alam ko...ganoon din siya sa akin. Plano ko na talagang siya na ang aking makakakasama hanggang sa tumanda na si Prince Kevin ko.

"Ano gusto mong ulam kuya?"

Nawala ako sa munti kong pagmuni-muni.

"Ahhh-ano...gusto ko ng nilagang baka. Ang tagal ko ng di nakakakain nun."

Isang request na naisip ko. Ang totoo sa mga fiesta lang ang nakakatikim ng nilagang baka at sa inuman pa iyon.

"Sige kuya, pero sa palengke ako bibili ha. Wala kasing karne ng baka dyan sa talipapa. Gusto mo ba yung may mais?"

LOVE YOU NEVER KNEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon