CHAPTER 14 TAHANAN

2.3K 120 8
                                    

ROBERT

Labis akong nag-aalala ng iwan ko si kuya sa kulungan. Gusto kong maiyak sa kalagayan niya. May mga galos at pasa pang nakuha mula sa pambubugbog.

Sa kabila ng sinabi niyang dahilan ay proud naman ako dahil pinaglaban niya ang nararamdaman niya. Maipagkakatiwala ko pala na naging tapat siya sa akin.
Kailangan ko talagang gumawa ng paraan para mailabas si kuya sa kapitolyo.

Umuwi muna ako para balikan si Prince. Doon ko muna siya hinabilin kina mang Caloy. Nakakahiya naman at baka malaking abala na ang nagagawa namin sa kanilang mag-asawa.

Pagdating doon ay ikinuwento ko sa mag-asawa ang nangyari kay kuya at maging sila ay nalungkot sa nangyari.

"Grabe naman pala ginawa sa kuya mo. Kung tutuusin siya pa ang biktima."

Nakisimpatiya sina kuya Caloy kay kuya kayat maging sila ay nagpahiram muna ng limang libong pandagdag sa piyansa ni kuya.

Nais ko sanang lumapit sa tatay ngunit baka mapahiya lang ako at muling pagtabuyan. Ayaw ko ng makipagsapalarang mapahiya sa lugar namin.

Sa paghahanap ko ng pera ay nakalimutan kong hindi pa pala nakain si kuya. Pagkain lang muna siguro ang maitutulong ko dahil hindi pa siya nakakain ng agahan at pananghalian.

Nagluto muna ako ng pagkain. Bugong ng kanin at adobong ulam ang dadalhin ko. Binihisan ko si Prince at paniguradong sabik na rin ang bata na makita si kuya.

Bumalik akong kasama ang bata upang bisitahin muli si kuya.

Sa loob ng visitors loaunge ay nakita ko siyang may kausap.

Nagwala si Prince ng makita si Kuya Gerald sa pananabik. Talagang napalapit na ang anak ko sa kaniyang tiyuhin.

Nabigla at natuwa ako sa kaniyang balita na makakalabas na siya sa tulong ng kaniyang ninong. Malaki ang tsansya niyang makalabas agad. Walang ebidensiyang perang ninakaw,walang witness sa actual naginawa maliban sa nagreklamo at bintang lang ang pangyayari. Ipinaliwang ng kasama nilang abugado na maaring sampahan ang pulis na namampal kay kuya at sa mga taong nanakit sa kaniya, maging sa nagbintang na siya ay nagnakaw.

Makakalabas na si kuya!

Naghintay pa kami ng ilang oras para sa release ni kuya sa tulong ng abugadong kasama niya. Alas kwatro na ng hapon kami nakalabas.

Nagpasalamat kami sa abugadong tumulong lalo na sa ninong ni kuya at  nakalaya na siya ng madalian.

Sa pasilyong palabas ng kapitolyo ay pinapanood ko siyang naglalakad sa unahan ko.

Pinagmasdan ko si kuya Gerald na karga  si Prince. Panay ang halik niya dito sa bawat segunso. Binabawi ang gabing hindi niya nakasama ang anak ko.Hindi ko malaman kung anong kasiyahan ang nararamdaman ko at ngayong muli kaming nagkasamang tatlo.

Nilingon niya ako.

"Ano yang dala mo?"

May dala nga pala akong pagkain...

"Pagkain mo sana kuya..."

Ngumiti siya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.
Sumunod  lang ako habang papalabas kami ng kapitolyo.

Sa plaza malapit sa detention ng kapitolyo kung saan kami nanggaling doon kami nagpahinga.

May mga picnic table doon kung saan pwede kumain ang mga namamasyal. Kabi-kabila ang mga vendor ng pagkaing nakahilera sa gilid ng path walk. Ihaw-ihaw,kwek-kwek,calamares,balut at mobile carinderia.

Masaya ang plaza pagganitong dapit hapon dahil matatanaw ang paglubog ng dagat kasabay ang magandang pailaw ng plaza sa paligid at ang malaking fountain nito.

LOVE YOU NEVER KNEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon