CHAPTER 18 IKALAWANG LIHIM

2.3K 122 14
                                    

ROBERT

Sapat na siguro itong napamili ko para sa amin at sa bibigyan ni kuya ng ulam na iluluto ko.

Nakakatuwa at nagiging open na kami ng kuya sa aming nararamdaman. Nawala na rin ang ilang namin sa isat isa. Masaya ako sa nangayayari sa buhay niya ngayon.

Noong bagong dating lang ako ay hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ako. Walang wala siya noon pero nandoon ang kusa niyang pag-aalala sa anak ko. Maging sa akin ay dama ko ang sinsero niyang pagtulong. Hindi siya masalita,ginagawa niya na lang ng kusa.

Naalala ko pa ng kunin niya ang pitaka ko at lagyan niya ng pera mula sa kakarampot niyang sweldo. Maski ako ay inaalala niya kahit nakikitira lang ako.

Kakaiba ang kabaitan ni Kuya Gerald kaya nahulog ang loob ko sa kaniya. Sino bang hindi maiinlove kay kuya.
Magandang lalaki,matapang,mabait at masipag.

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Sa kabila ng kaniyang mga katangian, payag siyang makipagrelasyon sa isang kagaya ko.

Tanggap ko na isa akong ganito...baklain...hindi ako bisexual. Bakla talaga ako. Sa lalake lang ako iibig. Kay kuya Gerald ko nakita at naranasan ang totoo kong pagkatao kaya sa kanya ko na isinusuko ang lahat sa akin. Sa kaniya naging malaya akong magmahal sa paraang gusto ko.

Gagawin ko ang lahat huwag lang ako malayo sa kaniya.
Ako na ang tatayo na kasama niya habang buhay. Kasama ng anak ko.
Dalangin ko na kung sakaling malaman ni kuya na anak ko si Prince sana matanggap niya at mapatawad ako sa aking paglilihim.

Sana...hindi siya magbago.

Alas 10 pa lang ng umaga at sakto sa panghalian tapos ko na ang aking pagluluto. Liliksihan ko na lang ang kilos para makauwi na agad.

Sa eskinita kina kuya ay nakita kong maraming tao sa labas. Parang sa barong-barong namin sila nakausyoso. Nagmadali ako sa paglalakad ng masiguro kong sa amin nga ang umpukan.

Narinig ko ang sigaw ni kuya na nakikipagtalo sa loob.

Kinabahan ako.

Mga opisyales ng DSWD ang nasa loob at kinukuha nila ang anak ko.
Nakarinig ako ng ilang panglilibak kay kuya dahil mahirap siya.
Ang kutyain siya dahil sa masama niyang nakaraan.
Ang maliitin ang kakayanan niyang buhayin ang anak ko.

Sumilip na ako sa harap ng pintuan.

Nakita ko kung paano nila pwersahang kinuha si Prince kay kuya. Kung paano umiyak ang anak kong tumangging kunin ng mga babaeng nasa loob.

Hindi na ako nakapagpigil.
Hindi nila maaring kunin sa akin ang bata.

"Bitiwan ninyo ang anak ko! Wala kayong karapatang kunin si Prince dahil ako ang ama ng batang yan!"

Kinuha ko si Prince sa kanila. Iyak at takot ang naramdaman ng bata. Hindi porket nasa gobyerno sila ay magagawa na nila ang lahat. isang pang-aabuso din ang ginawa nila sa anak ko dahil sa kanilang balak na ilayo sa amin.

Tulala silang lahat lalo na si kuya.

Kinakabahan man akong malaman ni kuya ang katotohanan ay pinaglabanan ko ang takot.

Akala ko ay mahabang panahon pa bago ko sabihin sa kaniya ang lahat pero ito nga siguro ang tamang oras na malaman niya ng hindi sinasadya.

Sa aparador ay kinuha ko ang aking bag. Naroon ang birth certificate ni Prince. Bineripika nila na totoo ang dokumento ng bata at ako ang ama.

Kung ano man ang kabuhayan ni kuya Gerald o katayuan niya ay wala silang pakialam manghimasok. Walang gobyernong pwede kumuha kay Prince. Wala silang karapatang ilayo kay kuya Gerald ang anak ko. Wala silang alam sa kakayanan ni kuya...wala!

LOVE YOU NEVER KNEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon