CHAPTER 7 PAGHANGA

2.5K 105 15
                                    

ROBERT

Linggo ngayon at walang pasok si kuya Gerald.

Nauna akong nagising.

Tulog pa silang dalawa.

Maingat akong bumangon upang makapamili sa talipapa ng aking ititinda mamayang hapon.

Dahandahan akong lumabas at nagtungo sa pamilihan sa kanto.
Saging na saba,mantika at barbeque stick. Hindi na ako bibili ng asukal dahil may isang kilo pang natira kahapon. Bumili na rin ako ng tatlong balot na lugaw,nilagang itlog at tokwa para sa agahan namin.

Kakaiba ang sigla ko ngayon. Maghapon palang nandito si kuya na kasama namin. May kaunti pa akong pagkailang sa kaniya dahil sa may pagka-estrikto. Pero halata naman ang concern sa kaniya kahit iba ang dating sa pandinig kung kakausapin ako.

Pauwi ako ng may guhit na ngiti sa aking mga labi. Gising na pala sila.
Nakaupo si kuya Gerald sa may pinto. Sa kandungan naman niya ang anak ko na nilalaro ang kaniyang ilong.

Iniwas ko ang aking mata habang papalapit. Iniwas ko kay kuya Gerald. Wala siyang pang-itaas at lantad ang kaniyang matipunong katawan. Ang kaniyang dibdib,ang kaniyang mastikas na bisig. Ayaw kong maakit sa kaniyang presensiya ngunit nakakatukso talagang tingnan.

Kahit noong libing ni Elssie ay kasama siya sa tinitingnan ko bukod sa anak kong karga niya. May kakaibang karusma ang kagwapuhan ni kuya Gerald lalo pa kung ganitong wala siyang pang itaas.Nang bagong dating ako at makitira sa kanya nito ko lang siya nakita ng malapitan.
Nakakahawa naman ang ngiti niya habang nilalaro si Prince.

Siga daw siya dito sabi ng mga nakilala ko dito. Pero sa likod ng sinasabi nila, may isang kakaibang pagkatao si kuya.
May pagmamalasakit na hindi nila alam.
Yun ang nakita ko sa kaniya.

"Tito Robert oh? Dami-dami bili?Tito Robert oh?Wahhh!"

Nakakatuwa silang pagmasdan.
Idinapa niya si Prince sa kaniyang bisig na parang si superman ang anak ko nalipad habang papalapit ako.

"Wahhhh! Ha ha ha!"

Ang masayang salubong ko sa kanila.

Nakangiti si kuya sa akin.

Derecho na ako ng kusina. Habang isinasalin ko ang lugaw sa mangkok ay nangiti ako sa aking narinig.

"Dami dala kuya Robert. Kakain na kami! Dami dala para sa baby pogi!"

Narinig ko pa ang tawa ni Prince.

Inilabas ko ang lugaw.

"Kuya akin na muna si Prince, ako na magpapakain. Nakahanda na rin yung lugaw mo doon sa mesa."

Nakaupo si kuya sa mahabang bangko sa ilalaim ng puno ng alatiris. Ito ang pwesto ko sa pagtitanda kahapon.Kandong niya ang anak ko.

Si Prince na muna,maya-maya na ako.

Patukod ang isang tuhod ko sa lupa na lumuhod sa harap nila upang subuan si Prince ng lugaw.

Madaling pakainin si Prince, hindi maselan. Kada lapit ng kutsara sa kaniyang bibig ay subo agad ito ng subo. Si kuya naman ang taga punas ng mga natatapon sa kaniyang labi.

Muli akong nakadama ng pagkailang dahil magkatapat kami ni kuya bagamat nasa pagitan namin si Prince.

Mabilisan kong sinusulyupan ang mukha ni kuya kung abala siya sa bata. Iiwas agad kung alam kong titingin siya sa akin.
Pero ang pag-iwas ko ng tingin ay matatapat naman sa kaniyang dilaw na basketball shorts. Hatala at bakat ang maumbok na harapan niya kayat sa lugaw na hawak na ako napatingin para umiwas.

LOVE YOU NEVER KNEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon