CHAPTER 2 KADUGO

3K 117 26
                                    

GERALD

Akala ko ay nananaginip lang ako na may kumakatok sa pinto...

"Anak ng...sino naman tong bulahaw na to? Sandali!"

Napilitan na akong bumangon.

Pinagbuksan ko ng pinto ang kumakatok.

Sa una ay hindi ko nakilala ang nasa harapan ko at ng makabawi mula sa nabitin kong pagtulog ay nakilala ko kung sino.

Si Elssie.

Isa sa kapatid ko sa ina.

Nasa 18 anyos ang babaeng ito sa isip ko.

May bitbit na balutan at sa bisig nito ay isang bata na iyak ng iyak.

Sa una ay pagsasarhan ko na sana ng pinto.

Malayo ang kalooban ko sa mga kapatid ko sa ina dahil noon pa mang dumami kaming magkakapatid ay pinabayaan na ako at pinagpalit ang tatay sa ibat ibang lalaki.

Sa dami naming magkakapatid ay hindi ko na kilala ang ilan.

Minsan na ngang napalabas ang nanay sa isang dokumentaryo sa tv dahil sa dami naming magkakapatid at mula ng mamatay ang inay ay lalo pang hindi ko na inalam kung sino sino sila.

Walang silang aasahan sa akin at wala din akong aasahan sa kanila.

Malayo talaga ang loob ko sa mga anak ng nanay ko.

At ngayon maalala lang ako kung wala silang malalapitan...

Kung wala lang dalang bata si Elssie baka pinagtabuyan ko na.

"Kuya,pwede dito muna kami ng baby ko."

"Ang aga mo naman mang-istorbo. Lumayas ka ba sa inyo?"

"Hindi kuya, sasabay lang ako sa ambulansiya para sa check up ko sa PGH . Maaga kasi ang alis ng ambulansiya ng baranggay ninyo kaya pwede dito na muna ako maghintay."

"Bakit ano sakit ng bata?
Anak mo ba yan?"

"Oo kuya..."

Naiinis ako kay Elssie.

Sa murang edad ay may anak na.

Kagaya din siya ng nanay na malandi kaya nagkaanak ng maaga.

Wala na ngang makain lumandi pa.

"Nasaan ang tatay nyan?"

Hindi na sumagot si Elssie.
Tahimik lang siya.
Halatang tinakasan ng lalaki ng mabuntis.
Iba talaga ang kabataan ngayon na inuuna ang kabobohan.

Hindi ko na siya masisisi at pinabayaan din marahil ito sa pangaral ng nanay kagaya ko.
Naawa naman ako kahit paano-
hindi kay Elssie kundi sa karga niyang bata.

Ginusto niya yan kaya magdusa siya.

Hinugot ko ang kartong sapin sa ilaalim ng banig ko at pinalatag ko kay Elssie sa sahig para higaan nilang mag-ina. Inabot ko na rin ang lumang tuwalya ko para isapin sa sanggol na dala niya.

"Isara mo na lang ang pinto kung aalis na kayo mamaya."

Wala akong interes malaman ang buhay niya kayat bumalik na lang ako sa pagtulog.

Nasa dugo ko pa ang espirito ng alak kaya madali akong nakatulog.

Alas 8 na yata ako nagising.

Nag-iinat pa ako ng marinig ko ang anak ni Elssie na umiiyak.

Putcha! Akala ko ba aalis siya ng maaga?

Halos lamukusin ko ang aking mukha sa pagka-irita.

"Elssie! Patahimikin mo yang anak mo!"

LOVE YOU NEVER KNEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon