CHAPTER 19 PAGMAMAHAL

2.8K 117 40
                                    

GERALD

Gusto kong magwala sa galit sa nalaman kong anak ni Robert si Prince.

Binuntis at pinabayaan niya ang kapatid ko pati ba naman ako ay lolokohin rin niya.
Inilihim niyang anak pala niya si Prince.

Gusto ko siyang saktan.
Ngunit alang alang kay Prince ay hindi ko ginawa.
Minabuti kong magpalipas ng galit at sama ng loob.

Patong-patong ang nararamdaman ko ngayon. Galit kay Maui sa ginawa niyang panggugulo,kay Robert at sa kapatid ko. Ang nararamdaman kong awa kay Prince na sa murang edad ay ganoon na lang lokohin ng mga nakapaligid sa kaniya.

Gaya rin sila ng inay!

Gaya ko na pinabayaan dahil pansarili lang nila ang inuuna.
Oo masama akong tao.
Basagulero...siga...magulo ang buhay...
Kaya kong lumaban kung inaagrabyado.
Pero ang paglaruan ang nararamdaman ko ay hindi ko kaya.

Umaayos na ang buhay ko.
Unti-unti na akong nangangarap ng mabuting buhay ng hindi lang para sa akin.

Sumakay ako ng jeep.
Gusto kong lumayo,mag-isip,magpalipas ng galit.

Hindi ko alam kung bakit ako nakapunta ng kapitolyo.
Marahil dito kami lagi napunta ng itay noong maliit pa ako kapag hinahanap namin ang inay sa tuwing lalayasan kami kapag sila ay mag-aaway.

O baka kaya ako narito ako ay para  may masumbungan. Kailangan ko ng ama na magpapayo sa akin.

Ang ninong Jujo ko...

Nais ko siyang makausap.

Tahimik akonh nagrequest na mabisita siya. Sa visitors lounge ako unang pinapunta upang maghintay. Nang malaman ng ninong na ako ang kaniyang bisita ay pinahintulutan akong muling makapasok sa kaniyang selda.

Doon niya ako tinanggap.

Masaya niya akong binati.

Nagmano ako at kaniya akong pinaupo.

"O ano balita? Nakalipat ka na ba sa binigay ko sa iyong apartment?"

"Hindi pa po ninong."

"Oh, bakit hindi ka pa nalipat doon ng anak mo?"

Hindi ako makasagot.

Hindi ko masabi na kasama ng anak ko ang tunay niyang ama.

"May problema ba? Ayaw mo ba doon sa lugar? Sabihin mo lang at gagawan natin ng paraan."

"Hindi po ninong...malaking bagay na po ang ginawa ninyo. Gusto ko lang ho sanang kausapin kayo."

Katahimikan...

Umiyak.

Umiyak ako dahil naalala ko ang itay.

Walang taong nagmahal sa akin ng totoo kundi siya lang.

Maliit pa ako ay isinasama niya ako sa trabaho,mabantayan lang at maalagaan. Inuuna niya ang kapakanan ko kahit solo lang niya akong pinapalaki. Mahal niya ang inay kahit niloko siya. Ako ang nagtanim ng sama ng loob sa inay dahil pinabayaan niya kami ng itay. Na hindi niya kami minahal.
Sa harap ko namatay ang itay noong makuryente siya sa kaniyang trabaho.

Walang nag-alaga sa akin noong mamatay siya. Pinagtabuyan ako ng inay dahil hindi niya ako kayang kupkupin.
Isinumpa kong hindi ako matutulad sa itay na sinaktan.

Ang ninong lang ang tumulong sa akin noon sa edad na 13.

Hangang sa wala na akong balita sa kaniya.

Lumaki akong sanggano.

Nakakundisyon sa utak ko na hindi ako pwedeng isahan o lokohin gaya ng ginawa ng inay sa itay ko.

LOVE YOU NEVER KNEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon