CHAPTER 11 LIHIS

2.7K 103 10
                                    

Nagkamabutihan sina Gerald at Robert matapos noong gabing magtalik sila.

Isang unawaan na tanging sila lang ang nakakaalam.

Alam nila ang estado nila sa isa't isa na hindi na kailangan pang ilantad sa mga tao. Hindi sila handa  sa maaring sabihin sa kanila mg mga iba.

Kaya  ipagtanggol ni Gerald ang kaniyang interes lalo na kung personal.

Dahil sa kapakanan ng bata kaya siya tahimik sa nangyayaring relasyon nila ni Robert.

Kung magkasama sa labas ay para lang silang magkuya. Yun naman ang alam ng iba tungkol sa kanila.

Sa loob ng bahay ay iba.

Dalawang lalaki sa iisang bubong na magkasama at magkasalo sa lahat ng bagay. Hinayaan ni Gerald si Robert na pagsilbihan siya nito. Tagaluto,tagapag-alaga ng bata,katuwang,at kayakap sa gabi.

Si Gerald ang tumatayong dominante. Siya ang nasusunod sa lahat ng gusto niya para sa kanila.

"Sabay tayo kakain."

"Kung tulog na si Prince pwede tayong sabay tayo maligo."

"Huwag magpagutom."

"Ako ang matanda ako ang dapat gagastos. Yung kita mo ipunin mo para sa emergency kung sakali."

"Baka nalilibang ka na sa pagtitinda ha, ang bata."

"Sawa na ako sa luto sa constuction,ipagluto mo naman ako ng ulam na mababaon."

Mga simpleng kagustuhan lang naman na masayang ginagampanan ni Robert bilang "kasama" ni Gerald.

Unti-unti na ring nagbago si Gerald.

Nawala na rin ang pagiging palabarkada nito.Mag-inom man ay sa bahay na lang. Marunong na rin siyang mag-impok ng gamit na kailangan kahit paisa-isa gaya ng simpleng kutson at second hand na washing machine dahil lumalakas na sa pagsusot ng damit si Prince at kagaangan ito sa paglalaba.

Maging si Gerald ay namangha sa tuwing uuwi siya ng bahay galing ng trabaho. Ang dating madilim at at puno ng agiw na loob nito ay lumiwanag,luminis, napalitan na ng makukulay laruan ng bata,ng mga poster na giliw ituro ni Prince kung ano ang mga nakalarawan doon, ng ilang mga kagamitan na kahit second hand lang, higit sa lahat,ng halakhakan,at pagmamahalan.

Kay Prince Kevin umiikot ang mundo nila at titigil lang sa kanilang dalawa kung tulog na ang bata.

Kasiyahan sa kanila ang laging magkatabi sa gabi. Biyaya ang magsama sila at pribilehiyo ang magsiping ng gaya sa isang regular na mag-asawa.

Unti unting napamahal si Robert kay Gerald.

Natagpuan niya ang kaligayahang kay Robert lang makikita.
Ganun din si Robert dahil mahal niya ang nakakatanda.

Hanggang isang araw ay subukin sila ng isang pagkakataon....

GERALD

Inspirado?

Inspirado nga siguro...

Napansin ko na nabago na ang mga nakaugalian at mga nakasanayan gawi. Mula ng dumating Prince at si Robert.

Pakiramdam ko may pamilya na akong inuuwian. Si Prince Kevin ang anak ko at si Robert ang asawa.
Naiiling ako kung bakit biglang nagkaganito buhay ko.

Hindi ko naman pinagsisihan e. Masaya ako.

Naging kami ni Robert mula ng makasiping ko siya. Ilang linggo na bang kami?

LOVE YOU NEVER KNEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon