Pangatlong Yugto

1 0 0
                                    

Pangatlong kabanata na ang naisulat kong ito
Sa kuwentong ang tanging bida ay ikaw at ako
Ang ating direktor ay Siyang nasa taas
Ang lahat ay nasa lugar at lahat ay patas

Tipong ang kuwento natin ay may climax na parte
Ang sweet mo sakin at ako'y pakipot at umaarte
Tipong nagtatampo na sinalubong din ng sa'yo
At hayun, tampuhan na nakapagpatibay sa tayo

Unang tampuhan sa pagitan nating dalawa
Ngunit naayos din paggising sa umaga
Hindi nawala ang sintamis ng asukal na da moves mo
Dahil diyan mas nahuhulog na ako

Ang kalendaryo ay halos habulin ko na at pabilisin
Ang pagtakbo ng araw at isang buwan ay di mapansin
Hindi magkamayaw sa bawat paggising sa umaga
Tinitignan ang kalendaryo kung abril na ba

Marso pa lang pala, " april ano ba?"
Alam kong miss na miss lang kita at nais kang makita
Ang kilig ay pinipigil ko sa seminar upang di masita
Dahil nagtext ka at bumanat parang makata

Oo nga pala, VET FEST sa school naming ngayon
May mga mapapanood until dawn
Sa preparation pa lang ubos na ang energy ko
Pero isang "HAI" mo lang recharged na ulit ako

Idol isang buwan nalang ang hihintayin
Makikita kita at mayayakap na rin
Hindi na makapaghintay at hindi makatulog
Dahil ang puso ko ay tuluyan ng nahulog

Hintayin mo ako ha? Huwag sanang bumitaw
Dahil sa bilyong tao dito sa mundo, ang pinili ng puso ko ay ikaw

Roller Coaster LoveWhere stories live. Discover now