Unang Sigalot

1 0 0
                                    

Ang bawat kape ay kailangan ng tamis at pait
Tamis upang panlasa ay hindi masalat sa nais
Na timpla ng bawat sandali na pinagsaluhan natin
Sa nakaraang tatlong araw ay natikman ang pait na di hiniling

Sa dilim na nabalot sa kalangitan ay sumalo sa kaisipan
Kahit ayaw kong gawin ay napahamak sa tukso ng mga kaibigan
Ang isang tikim ay naging lagok
Ang lagok ay unti-unting nanghihimasok

Sa loob kong nalilito sa kung anong meron?
Tatlong bote na ang sa harapan na aking nainom
Patawad sa mga salitang nabitawang di naman nais masabi
Ang utak ay hilo at sa sakit nito dahil sa alak na dumampi

Sa aking labi na labag sa loob ko
Pasensiya na, sorry po idol ko
Sa loob ng tatlong araw na walang balita sa iyo ni isa
Ang lumbay, takot at lungkot ay bumubulabog saking pag-iisa

Gustong humingi ng tawad ngunit di magawa
Baka dahil magalit ka at lumayo na
Baka sa aking di pagsabi o pagpaparamdam ay may iba na

Hindi ko nais na ang mga ito ay gumulo sa isip
Nanabik na makita ka ngunit sa lambing mo ngayo'y naiinip
Ako pa ba ng nais mong makasama?
O sa tatlong araw na walang komunikasyon ay may ibang kasama ka na

Alam kong sa tigas ng damdamin ko ay maling mali na
Hindi alam ang gagawin dahil natatakot na
Panghahawakan ko ang sinabi mong maghihintay ka sa tamang panahon
Upang handa na akong ibigay ang nais mong relasyon

Dahil na rin siguro sa selos na nadarama sa nakaraan mo
At isang taong nagkakagusto sa bawat ugali at galaw mo
Sadyang pagmamahal na ang nadarama sa'yo
Hindi lang mahal, kundi mahal na mahal na kita idol ko

Sorry po sa nagawa ko sana ay patawarin pa
Maibalik ang dating tamis ng lambing ng bawat salita
Hinihintay ko ang mensaheng babasag sa katahimikan
Hinihintay kong lumamig ang sitwasyon at kadramahan

Sorry sa nagawa kong kasalanan idol ko
Ang bawat salita na binitawan ko sa'yo
Huwag kang mag-alala dahil darating din tayo
Sa araw na ikaw at ako ay maging "TAYO"

Roller Coaster LoveWhere stories live. Discover now