Pangalawang Kabanata

1 0 0
                                    

Heto ang bagong yugto ng naunang isinulat
Ang mga mata ay tuluyang namulat
Sa katotohanang ang isang linggong kasama ka ay di sapat
Ang puso ko ba ay nahanap na ang katapat?

Ang bawat minuto na di ka kausap ay hinahanap-hanap ka
Laging tumitingin sa cellphone, hinihiling na magtext ka
Sa bawat gabi ay nabubuo kapag naririnig ang boses mo
Na tila hinehele ako sa pagtulog ko

Ang bawat mensahe mo sa umagang maganda
Ay parang kapeng gigising sa aking diwa
Gusto lang ba o mahal na kita?
Alin sa dalawa ang totoong nadarama?

Ibang-iba ang trato ko sa'yo kesa sa kanila
Tipong kayang mag-effort sa'yo kahit nakakahiya
Kayang lakasan ang loob ko sa pagpapakilala
Sa mga kaibigan mo, kapatid at pamilya

Hindi ako ganito dati bago kita makilala
Simpleng babaeng habulin at pinipilahan nila
Tila ba walang malisya kapag kausap ko na
Pero sa'yo nakaramdam ako ng ibang halaga

Lahat ng hinahanap ko sa isang lalake ay nasa'yo
Tinitiis ang lumbay kahit na malayo
Kilo-kilometro man ang distansya sa pagitan natin
Ngunit magkadikit at di mapaghiwalay ang puso natin

Tipong vitamins ko na ang bawat pag kumusta mo
Na nagpapalakas at nagpapatibay sa determinasyon ko
At ngayon nagbitaw ka ng isang tanong sa gabing ito
Tanong na nais mo nang bigkasin sa simula pa lang nito

"puwede ba kitang ligawan idol ko?" yan ang sabi mo
Tila ba nabuhusan ako ng mainit na tubig sa ulo
Hindi alam ang gagawin tatanggi ba o kikiligin?
Ngunit puso ko ay may nais sambitin

Idol, alam mo bang bawat text mo ay parang adrenaline
Sumasaya ako at ang puso'y nagpapalpitate na rin
Hindi ako mapakali sa bawat banat mo
Na tila ang tibok ng puso'y huminto

Konting tiis nalang idol ko at makakamit na
Ang nais mo noong una pa lang na makilala
Dahil ang paghihintay ay hindi na pinapatagal
Kung ang nanunuyo ay akin ng minamahal 

Roller Coaster LoveWhere stories live. Discover now