Di Lang Ikaw

1 0 0
                                    

Sandali lang bago ka humakbang ng isang beses
Pakinggan mo naman ako bago ka umalis
Hayaan mo akong magsalita kahit ngayon lang
Hinihingi ang pag-unawa mo, please ako naman

Di lang ikaw yung nanunuyo at kumakatok sa puso ko
Pero ikaw ang nag-alay ng mga salitang puso ko ang duminig
Di lang ikaw ang naghihintay sa salitang bibitawang "oo"
Pero ikaw ang balang araw ay makakarinig nito

Di lang ikaw dahil marami diyang iba
Pero wala ee, iba ka, iba yung tama sayo ng pusong dumadaing na
Heto ako kumakapit sa lubid na nakokonekta sa ating dalawa
Sa sobrang higpit nagkakasugat ang mga kamay at nagmamakaawa

Sabi nila minsan kailangang bumitaw dahil mas masakit kapag kumapit pa
Pero wala akong balak bitiwan ka dahil alam kong iba ka sakanila
Nasasagutan ko naman mga tanong sa exam ko
Pero bakit sayo? Hindi ko masagot kung bakit ikaw ang pinili ko

Nariyan sila nangungulit, pinipilit na suyuin ako sa mga mabubulaklak na salita
Pero may bagay ng humihila sa akin palayo sakanila
Bagay na iniwan mo noong pauwi na tayo kasasbay ng halik sa noo
Bagay na hanggang ngayon dahilan ng pagkapit ko sayo

Bagay na tumatak na sa puso at isip ko
Yung bagay na sinabi mong mahal mo ako
Tila may hamog sa mga mata ko at hindi kita matanaw
Tila naturukan ng anesthesia ang balat, ni hindi mainit palaging giniginaw

Tila ang puso ay nawawalan ng pintig nang di nagpaparamdam
Ang buong araw ko ay di masigla dahil wala ka ng pakialam
Tuluyang naglaho ng parang bula ang mga pangako mo
Sana sinabi mo para nagdala ako ng martilyo pamukpok sa pinako mo

Tuluyan ka na bang lumayo at sumama sa kanya?
Sana sinabi mong panandalian lang ang lahat ng to
Para naman ni limit ko sarili ko para di nahulog sayo
Sinabi mo sanang pelikula ang balak mo sa atin
Para natuto akong mag-cut at pack up sa kung anong iibigin

Ikaw ang dahilan ng kilig na nagpapangiti sa labi
Ikaw rin ang nagiging dahilan ng pagkainis sa sarili
Ikaw na ang nagpapasaya sa araw na puno ng stress at pagod
Ikaw rin ang nagbibigay ng sakit na halos hininga ay managot

Bakit kahit anong pagpapamiss na ginagawa mo ay umaasa pa rin
Kahit anong hindi pagpaparamdam mo positive thinking pa rin
Isang pagkakataon ang lang ang hinihintay na mangyare
Ang magkita ulit tayo sa lugar ng Masbate

Doon ako tuluyuang magdedesisyon kung titigil na o kapit pa
Dahil hindi lahat ng tao may tiyaga kahit ang sakit sakit na
Masbate will decide between Yes or No
Yes na magiging tayo at wala ng ikaw at ako
No na titigil ko na to at ayoko na sayo

Ang pagbitiw ko ay makakayanan ko pangako
May mga bagay na kapag binibitawan mo na
Mas gumagaan ang pakiramdam at nakakayanan pa
Di lang ikaw ang naghihintay at nahihirapan

Nahihirapan ako kapag hindi ka nagpaparamdam
Kailangang bumitaw di dahil sa mabilis akong sumuko
Dahil matapang akong pinaglaban ka kahit masakit na dito.

Roller Coaster LoveWhere stories live. Discover now