PansamanTagal

2 0 0
                                    

Sandali lang, hayaan mo akong magsalita
Kahit alam kong pasok sa isa labas sa kabila
Ang pagdaan ng mga sasabihin ko sayo
Tignan mo ako sa mata at pakiusap pakinggan ako

Sa unang pagkikita nating dalawa sana umiwas ako
Para di na simulan ang bangungot na to
Sana ang bawat text at tawag mo di ko nalang pinansin
Para di na nahulog kung di mo balak saluhin

Sana ang bawat pangako ay di mo binitawan
Dahil kahit isa wala kang paninindigan
Sana sinabi mong laro lang itong sitwasyon
Para nakapag training ako sa aking kondinsyon

Sana di ka nalang nagbigay ng motibo
Para di ako umasa at di nadurog ang puso ko
Bakit? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?
Kasi kung oo, sana di mo na ako niligawan sa simula nito

Sa mga tamis ng mga banat mo nasuya ako
Sa kilig na naramdaman ko nagsawa na ako
Sa bawat oras na kaya mong tiisin na walang paramdam
Nababawasan at nawawala ang nararamdaman

Sayang eh! Sayang ang planong supresang binalak
Sa dating maliwanag pero dumilim na tinatahak
Kung gaano kabagal ang pag usad na traffic sa EDSA
Ganon ka kabilis takbuhan ang mga pngakong napako na

Kung gaano mo di matiis na pigilan kung magmamahal
Ganon mo ako tiniis ngayong napamahal?
Kung gaano pursigidong manuyo ang ibang lalake
Ganon ka kabilis sumuko kasi irregular akong babae

Oo nagkamali ako pero minsan lang
Di big deal yun kasi away paslit lang
Bago ako magpaalam bigyan mo ako ng rason
Rason na alam kong nakasira sa pundasyon

Rason para maniwala akong tama na!
Tama na kasi martir na ako at tanga pa!
Distansya ba? Kasi di mo kaya kapag malayo?
Eh di sana una pa lang tinanong mo kung tagasan ako

Kasi alam nating pareho ang kahihinatnang LDR
Long Distance Relationship from Afar
Babae ako? Bakit ano bang meron siyang iba?
Mas maganda ba? Kasi ang ganda ay iba-iba

Gandang panloob na ayaw lumabas
At gandnag panlabas na ayaw sa loob pero bias
Studies ba? Kasi sagabal ako sa pangarap mo?
Eh di sana kinuha mo na lang akong tutor mo

Tuturuan kita sa subjects na nahihirapan ka
Eh di sana ngayon di ako nasasaktan di ba?
Kahit anong raosn basta may kwentang pakinggan
Mas kwenta sa mga chismis sa lansangan

Kasi hindi biro tong pinagdaan ko
Ikaw kasi ang pansamantagal ko
Pansamantalang kilig, saya at kaligayahan
Pero noong iwasan ng walang dahilan

Pangmatagalan ang sakit na nararamdaman
Kaibigan lang ang gusto mo? Ibibigay ko
Buong-buo na friendship without shit na kasunod to

Friendship lang ha? Wag kang umasa pa
Dahil dapat sa simula palang alam mo na
Ikaw ang nanliligaw at nanunuyo di ba?
Pwedeng magalit, magselos, at magdesisyon kasi mahal kita

Pero tandaan mo na pwede pero di dapat
Kasi sayang, sasagutin na sana kita pero nasalat. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Roller Coaster LoveWhere stories live. Discover now