Saan Ba Patungo?

1 0 0
                                    

Ang lahat ng pelikula ay may katapusan
Ang lahat ng istorya ay may hangganan
Ang pagkain kahit gaano tinitipid ay nauubos
Ang kandila ay kahit tumagal ay nauupos

Idol, ang pagmamahal ko ay hindi basta basta nawawala
Pero yung pasensiya at paghihintay pinapatagal mo na
Oo, nagkamali ako, alam ko sa sarili kong nagkamali ako
Maling mali na sinubok ko ang pasensiya mo

Maling mali na sinaktan kita sa bawat salitang binitawan ko
Maling mali na awayin kita dahil sa kalasingan
Pero tama bang ako naman ngayon ang nasasaktan?
Kailangan bang hindi mo pansinin ang panunuyo sayo?
Nasaan ang mga pangako na sana'y di mapako?

Mahal mo ba talaga ako o ginagago mo?
Nahulog na ako sa dating ikaw na minahal ko noon sayo
Yung lambing mo na kahit badtrip ako
Yung text mong nagtatanggal sa bawat pagod ko

Yung tipong nangingiti out of nowhere ang drama ko
Dahil ang anghel sa buhay ko ay kausap sa telepono
Hindi kasing gwapo ni Enrique Gil sa telebisyon
O kasing hot ni Robin Padilla sa aksyon

Pero tong puso ko ikaw tong pinili sa milyong tao sa paligid
Dahil ikaw ang anghel na pinunta ako sa langit
Sadyang hinahanap hanap ang puso mong hawak ko noon
Pinilit hanapin at halughugin sa buhay ko ngayon

Puso'y umiiyak na sa sakit na nadarama
Sana'y pawiin na dahil mukhang susuko na
Pagal na pagal na ako sa pagod ng paghabol
Kailan ba matatapos to? Kailan ba tututol?

Ang tadhana sa storyang nawalan ng saya
Nanlamig ang mga pusong uminit noon sa tuwa
Sa bawat hakbang ay may natitisod at nadadapa
Sa bawat pag-akyat ay nadudulas at nahuhulog ka

Ngunit kapag nahulog ng tuluyan dahil bumitaw na
Ayokong deretso akong lumagapak sa lupa
Idol, nasabi na lahat ng dialogue ko sa eksensa
Walang kasamang arte o pagkukunwari sa aking mga mata

Pakiusap tama na! awat na!
Tama na kasi ang sakit sakit na!
Tama na kasi ayokong mawala ka pa
Tama na kasi tong puso ko pagod na pagod na
Tama na kasi mahal na kita at sorry na

Alam ko kung paano natatapos ang istorya ng mga prinsesa
May happily ever after silang tinatadhana
Pero tong kwento natin sadyang lumalabo na

Sabi ng utak ko tama na! tanga ka na!
Pero tumutol ang puso ko, kaya pa! kapit pa!
Idol hahayaan ko nalang ang takbo ng bawat eksena
Sa istoryang roller coaster na ang nadarama

Kakapit pa rin hanggang sa magkita na tayo
Doon sa mismong lugar na yun magdedesisyon ako
Dahil di lahat ng kwento masaya ang nagiging wakas
Dahil madalas yung iba sakit at poot ang sa puso nila'y bumabakas.

Roller Coaster LoveWhere stories live. Discover now