Gabi na pero ayaw pang pumikit ng mga mata
Kahit pilitin ay kusang dumidilat siya
Sabay hawak ng telepono at browse sa active friends ko
Chinicheck kung online pa ang bubuo sana sa araw koActive pa siya so hayan nanaman ang puso ko natutuwa at tumatalon
Sinubukang i-chat ka sabay pindot ng keyboard habang humihinahon
Pero halos dinadalaw na ni antok at panay hikab na
Wala pa ring mensahe ang naipapadalaMula sayo, hanggang dito nalang ba talaga?
Ang pusong kay tagal nagpahinga ay binalabog mo na nga
Tapos ang utak ko na ngayo'y nababaliw na
At ang puso kong nalilito sa saya at lungkot na nadaramaKailangan ko na ng sagot na galing mismo sa bibig mo
Ayoko ng maniwala sa mga tekstong lalabas sa screen ko
Ayoko ng boses mula sa speaker ng telepono
Gusto ko sabihin mismo sa harap ko kung ano ang totooDapat pa bang kumapit pa kahit ang sakit sakit na?
O magpapaalam na dahil hanggang dito na lang talaga
Ngayon utak ko naman ang masusunod sa magiging desisyon
Dahil tong puso ko inosente pa sa mga love topics ngayonSa bawat oras na hinahanap ko ay nagsasawa na
Sa bawat kilig na namimiss ko ay nauumay na
Ang tsokolate kahit matamis nawawalan ng lasaAng kape kapag hinayaan ay lumalamig
Ang pagsuko ay dumarating pag wala ng pag-ibig
Darating pa ba tayo sa puntong maaalala mo ako?
Yung tipong maririnig ko ulit ang "I love you" mula sayoAyokong dumating yung oras na ang magiging sagot ko
Mahal din kita noong di pa nagsawa ang puso ko
Sana sa magiging desisyon mo ay tatanggapin ko
Sa malalaman ko titibay ako laloDahil sa bawat relasyon ay dapat parehong umaaksyon
Kasi kung isa lang, mauumay kayo sa takbo ng relasyon
Na dapat kayong dalawa ang gumaganap
Hindi tagu-taguan na may naghahanap at may hinahanap
![](https://img.wattpad.com/cover/144505798-288-k156175.jpg)
YOU ARE READING
Roller Coaster Love
PoetryLove is like a roller coaster ride, Ups are happiness and Downs are sadness. But even though every ride was fun time will come that your ride will be done.