Tagpuan

7 0 0
                                    

Isa akong simpleng babae na gustong maglaro
Ng isang laro na hindi karaniwang ginagawa ng tulad ko
RODEO kung tawagin ng mga kasama ko sa veterinary medicine
Laro na nakasugal ang kaligtasan at buhay namin

Manghuhuli ng baka gamit ang magaspang na tali
Sa loob ng koral na napupuno ng alikabok at dumi
Ngunit di ko alam na RODEO ang tulay sa pag-ibig
Na makilala kita sa dami ng tao na naroon ay sumikip

Kahit noong una ay di napansin ang pagtingin mong espesyal
Dahil ang nasa isip ko sa araw na iyon ay laro at di pagmamahal
Nagsimula sa simpleng batian,simpleng HI at HELLO
Sa harap ng maraming tao ay nagkakilala tayo

Naging magkausap at magkatext kapag nagkakaoras
Kahit ilang oras man ang lumipas ay parang walang wakas
At heto muling nag krus ang landas natin
Sa laro na unang nagpabuklod sa atin

Sa muling pagkikita ay may ibang naramdaman
Kahit puno ng tao ang mga mata'y ikaw ang nais masilayan
Sa dilim na bumalot sa kalangitan ay pakiramdam ko umaaraw
Parang ang liwanag ng paligid dahil ikaw

Ang kasama't katabi dito sa sayawan at inuman
Sa bawat oras na ginugugol natin sa pagtatawagan
Sa bawat malambing mong salita ay unti-unting nahulog
Gabi-gabi ay malikot at halos di makatulog

Idol, sana ay totoo ang nararamdaman at di biro
Dahil mahal na kita at ito ang walang halong laro
Sa ating tagpuan ay hihintayin kita
Dahil hindi lang baka ang nahuli mo kundi pati puso ko na

Sa bawat tubig na binigay mo ay napangiti ako
Sa bawat pag-aalaga mo ay napasaya ako
Sa paghalik mo sa noo ko na tanda ng pagmamahal mo
Napakasuwerte ko dahil ang mahal ko ay nakilala ko sa RODEO

Hindi na kinatatakutan bagkos ay saya at kilig ang dulot
Dahil idol binago mo na ng buhay kong malungkot
Isang simpleng laro lang ang RODEO
Ngunit binigyan nito ng katuturan ang buhay ko dahil sa'yo    

Roller Coaster LoveWhere stories live. Discover now