Chapter One

71K 1.1K 27
                                    

"AREN'T you going to make up your mind? I mean, final decision mo na ito?"

"Yes Pat. This is it."

"I'll miss you and this little kid over here." Mahigpit na akap ang tinanggap ni Iris Anne mula sa kaibigang si Patrick pagkatapos ay ginulo nito ang buhok ngkanyang anak.

"I'll miss you uncle." Mangiyak ngiyak na sagot naman ng walong taong gulang na anak ni Iris Anne na si Kian.

"This is my final decision Pats but don't worry, we will still visit you if we have time."

"Siya! Hayaan mo, kapag nagbago isip ko, baka umuwi rin ako ng Pilipinas."

"Okay okay, we're going to be late. Have you called a cab?" Tinignan ni Iris ang kanyang wrist watch.

"Yes and I think it's already here so come on, let's go."

Tinulungan ni Patrick ang mag-ina sa pagbubuhat ng bagahe ng mga ito at dinala pababa sa apartment nila. Tulad nga ng sinabi ni Patrick ay nasa ibaba na nga ang cab na tinawagan nito. Isinilid na nila ang mga bagahe sa trunk ng cab bago nagpaalam muli sa isa't isa.

"Have a safe flight you two."

"Pats, Keep our apartment clean, okay? Maybe we'll get back to work after I finish my vacation. Hindi natin alam. And please, don't bring boys over!" Paalala ni Iris sa kaibigang si Patrick.

Patrick Williams is Iris Anne's half-filipino bisexual manager, flat mate and friend. Siya ang unang naging kaibigan ni Iris Anne mula noong dumating siyang buntis sa New York.

Malaki ang naitulong ng kaibigan sa kaniya. Ito ang gumastos sa hospital bills ng ipanganak niya si Kian. Ito rin ang nagtulak sa kanyang magmodel at dahil dito'y nabayaran niya ang lahat ng utang niya kay Patrick.

Ngayon ay isa na siya sa highest paid model sa New York. Salamat sa tangkad ng ama niya at sa facial features ng ina niya.

"Okay, you don't have to worry. I'm sorry I can't send you to the airport. I still have to meet with Mrs. Smith about theexpiration of your contract on their company in the next two months. Kian, boy, take care of your mom and enjoy, okay?"

Lumapit si Kian rito at umakap ng mahigpit kay Patrick.

"Yes, Uncle. I'll miss you. Bye!"

Isang yakap muli ang iginawad ni Iris sa kaibigan bago lumulan sa sasakyang maghahatid sa kanila sa airport.

Babalik siya ngayon sa Pilipinas kasama ang walong taong gulang na anak. Siyam na taon na mula ng umalis siya sa Pilipinas at hindi pa siya nakakbalik mula noon. Itinakwil siya ng ama niya dahil sa maaga niyang pagbubuntis lalo na't sinabi niyang hindi niya kilala ang ama ng pinagbubuntis niya.

Nagaaral siya noon sa isang unibersidad sa Maynila nang mangyari ang gabing iyon. Isang after party ng debut ng kaibigan niya ang dinaluhan niya. Bilang isang mapusok na kabataan, nakisabay lang siya sa daloy ng pagtitipon na iyon.

Hindi niya alam na ang lahat ng inumin noon ay hinaluan ng droga. Wala siya sa katinuan noong gabing iyon pero pag gising niya ay nasa loob siya ng isang hotel room, walang saplot at kasama ang isang lalaki. Sapat na ang ibidensya ng tuyong dugo sa bedsheet para maintindihan niya ang nangyari. Dali dali siyang umalis ng lugar na iyon lalo nang makilala ang lalaking kasama niya.

Ilang lingo ang nakalipas bago natuklasan ng ama niya na siya ay nagbubuntis, itinakwil siya nito at hindi na siya nagbalik pa ng Pilipinas mula noon. Pero ngayon ay papunta siya ng airport para muling bumalik sa Pilipinas.

Sweet RevelationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon