Chapter Seven

29.5K 626 5
                                        

MAAGANG nagising si Iris dahil maagang umalis si Killian para pumasok sa opisina. Wala siyang gagawin ng araw na iyon. Si Kian naman ay busy na maglaro sa mga bagong laruang binili ng lola nito.

            Nababagot siya dahil wala talga siiyang ginagawa kapag naiiwan silang dalawa ni Kian. Nasa entertainment room siya at nanunuod ng pelikulang napanood na niya ng may tumawag sa telepono niya.

            Unknown ang number kaya’t nagdalawang isip pa siya kung sasagutin niya iyon.  Sa huli ay naisip niyang baka emergency iyon kaya’t sinago niya ito.

            “Hello?”

            “What took you so long? Asan k aba? Nasa Pilipinas na ako! I’m at the airport Iris and I want to go home and rest na, tutulungan mo pa akong maghanap ng matutuluyan!”

            “Bakit? Ayaw mo bang umuwi sa probinsya niyo?”

            “You know that I’m not in good terms with Papa diba?”

            Napailing siya sa sinabi ng kaibigang si Patrick. Alam niyan ghindi nito nakasundo ang ama mula ng nalaman nitong bisexual ang anak nila.

            “Okay, I’ll go get you.”

            Ibinaba na nito ang telepono. Tumayo na siya at isinama ang anak niya para sunduin si Patrick. Nagtext naman siya kay Killian na may pupuntahan silang kaibigan ni Kian para kung agabihin man sila ay hindi ito magalala.

            Dinala niya ang isang sasakyang nakaparada sa garahe ni Killian. Hindi naman nagreply agad si Killian, ipinaalam niya ring gagamitin niya ang isa nitong sasakyan. Baka hindi pa nito nababasa ang text message niya marahil ay busy ito.

            Agad na nilang pinuntahan si Patrick sa airport at sinundo ito. Excited naman ng makita ni Kian ang nagiisa niyang ninong kaya’t ito ang unang unang tumakbo papalapit kay Patrick ng makita nila ito.

            “Tito!

            “Oh, improvement, marunong ka ng magsalita ng tagalog! Namiss kita.”

            “Osiya, mamaya na iyan. Hahanapan ka pa natin ng matutuluyan. Ayaw mo bang maghotel?” tanong niya sa kaibigan.

            “Ayoko, I’ll stay here for maybe two or a month. Basta, apartment ang gusto kong tuluyan.” Nagkibit balikat na lamang siya sa kaibigan.

            Napailing na rin siya sa ginawa nitong paguwi sa Pilipinas. Ilang buwan nitong tatakasan si Maggie na nabuntis nito. Kung alam lang nito kung gaano kahirap magbuntis sa mga ganoong panahon.

            Sumakay na sila ng sasakyan at inilibot niya ito sa lugar para maghanap ng matutuluyan. Mabuti naman at hindi sila nagtagal sa kahahanap. Maganda ang offer sa pangatlong napagtanungan nila, complete furnitures na ito at wala ng iba pang proproblemahin.

            Wala namang problema sa renta si Patrick dahil mayaman naman talaga ito at galante. Tanghali nan g matapos silang masettle sa apartment na iyon. Tapos na rin silang makapananghalian.

            Nag aya na maglibot sa mall si Patrick para raw makapagrocery ito na agad sinangayunan ng anak n iya. Sumama naman siya at nagtagal sila sa mall na iyon. Nag enjoy kasi ang anak niya sa paglilibot at pagtingin tingin sa paligid.

            Alas sais na ng makauwi sila sa apartment nito. Inaya na sila nito na doon maghapunan. Sa toto lang ay gusto na niyang umuwi dahil baka naroroon na si Killian pero hindi siya makatanggi sa kaibigan.

Sweet RevelationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon