NASILAW si Iris sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng malaking kwartong iyon. Mula sa pagkakadapa ay humiga siya. Wala siyang kasaplot saplot at tanging ang kumot lamang ang tumatabing sa kaniyang kahubaran.
Napatingin siya sa asawa niya sa kabilang gawi ng kamang iyon. Nakadapa rin ito at ang mukha ay nakabaling sa gawi niya. Umupo siya sa kama kaya’t dumulas sa kaniyang katawan ang kumot. Simula ng ikasal sila ay mas naging komportable na siya rito.
Magiilang buwan na siya sa Pilipinas at isang buwan na rin silang kasal ng asawa niya. Buhat noon ay hindi rin maipaliwanag na kasayahan ang nararamdaman niya. Nahiling nga niya n asana ay hindi na matapos ang ganitong pakiramdam.
Maayos na ang relasyon niya sa ama niya pati sa kapatid niya, pati ang kaibigan niyang si Patrick ay maayos ring kinakausap ng asawa niya. Everything is so perfect!
Hinagod niya ang magulo niyang buhok at tinignan ang orasan. Alas nueve na ng umaga at hindi pa sila naguumagahang mag asawa. Pinagod siya nito dahil mula kagabi ay hindi siya tinigilan nito hanggang mag alas singko ng umaga.
Tumayo na siya at isinuot ang tshirt nito at nag panty. Walang tao sa bahay, si Kian ay nasa mga magulang nila. Pumunta siya sa kusina at naghanap ng mailuluto. Wala siyang makitang gusto niyang kainin. Kukunin nalang sana niya ang frozen good ng maramdaman niya ang pagyakap sa kaniya ni Killian mula sa likuran.
“Good Morning wife.”
Humarap siya rito at nakita niya ang perpektong mukha ng kaniyang asawa. Ang mapupulang labi nito, ang mapungay nitong mga mata at matangos na ilong. Hinawakan niya ang mukha nito at nginitian ito.
“Good Morning too my husband.”
Hinihimas himas nito ang gilid ng bewang niya kaya’t napangisi siya rito at sinuway ang kamay nito.
“An gaga aga Killian ha, hindi ka pa kumakain. Halika muna at kumain tayo. Mamaya nalang iyan.”
Sumibangot ito pero hinalikan niya ito sa labi kaya’t pumayag naman na ito. Tinulungan pa rin siya nito sa pagluluto kahit na ang sabi niya ay maupo ng lamang ito.
Pagkatapos nilang magumagahan ay nasunod ang gusto nitong mangyari sa kitchen counter roon at sa banyo. Napangiti na lamang siya pagkatapos dahil talagang hindi nagsasawa ang asawa niya. Wala naman siyang reklamo roon dahil gusto rin naman niya.
Tapos na silang maligo at nagbibihis na lang ng magring ang phohe ng asawa niya. Pinasagot nito sa kaniya iyon at napagalaman niyang sa opisina iyon kaya’t inabot niya rin iyon kay Killian.
Kinuha naman nito iyon pero hindi ito lumbas. Iyon ang gusto niya sa asawa, wala itong itinatago sa kaniya. Naisuot na niya ang blouse niya ng matapos ito sa tawag at hinarap siya.
“Sweetheart, as much as I want to stay here and make love to you all day but may emergency sa kompanya, I don’t want to leave you here so umuwi ka muna kila Papa, andoon naman si Killian. I’ll drop you there.”
Agad naman na siyang nag ayos ng sarili at inihanda ang mga susuotin ni Killian. Wala siyang reklamo kung pagsisilbihan lamang ito dahil gusto niya iyong gawin habang buhay. Gusto niyang isiping panghabang buhay na nga ang ganitong relasyon nila. Sana nga ay wala ng hahadlang pa rito.
“Sweetheart, text me later I’m going to pick you up and Kian. I love you.” Sabi nito bago siya bumaba sa sasakyan nito. Nasa harap na siya ng bahay ng mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
Sweet Revelations
RomanceIris Anne Cordova came back to the Philippines for her son. Gusto na kasi ng anak niyang makilala ang ama nito, even though she wasn't sure how would her son's father take it, she took Kian to the Philippines. Killian Achilles Arson, her son's fathe...