ARAW NG LUNES at hapon na ng makarating silang anim. Dapat ay kaninang umaga pa laang ay naroon na sila ngunit hindi agad sila natuloy dadhil nagkaroon ng emergency sa opisina ni Killian. Tanghali na ng maresolusyunan niya iyon.
Sa isang rented beach house sila nanuluyan sa loob ng isang sikat na resort. Tatlo lamang ang kwartong matutulugan sa two storey house. Wala na silang iba pang proproblemahin sa mga kailangan sa bahay.
Bago pa man sila makarating sa bahay na iyon ay inimporma na niya si Iris na tatlo nga lamang ang kwarto ng abhay na iyon. Sinadya niya talagang tatlong kwarto ang kunin dahil akala niya nung una ay silang tatlo lang mag anak.
Alam naman niya na ayaw ni Iris na makasama siya sa kwarto, hindi ito komportable sa ideyang iyon. Pero ngayong marami na sila ay mukhang mapipilitan itong samahan siya sa iisang kwarto. Wala naman siguro itong magiging masyadong problema dahil kasama nila si Kian.
"Mommy, Daddy, can I share room with Tito Isaac?" Napatingin siya sa anak niyang nagsalita. Kapapasok lamang nila ng bahay at handa ng magpunta sa kaniya kaniyang silid ng magsalita ito.
"Oo nga naman ate, tiyak na pagod na kayo, hindi rin naman kayo makaktulog rito kay Kian at maglalaro pa kami."
Tinignan niya ang rekasyon ni Iris at agad niyang napansin na tila hindi ito komportable at para bang kinakabahan. Nakita niya rin naman ang pagod sa mukha niya kaya dali naman siyang nagdesisyon.
"Sige Isaac, ikaw na ang bahala kay Kian. Tulungan mong magpanik ng gamit ang kapatid mo at si Kyra. Aakyat na kami ng ate mo." Utos niya kay Isaac habang binubuhat niya ang bagahe nila ni Iris.
Tila nagisip pang sandali si Iris bago ito pumayag.
"But still take a rest later. H'wag mong hahayaan iyang magpuyat mamaya Isaac."
"Akon a ang bahala ate. Sige kuya, iwan mo na muna diyan yung ibang bagahe. Ipapapnik ko nalang mamaya ang mga iyan sa tapat ng kwarto niyo."
"Sige."Tinignan niya si Iris at agad lumapit rin na lumapit ito. Pagod na ito at pati siya ay gusto nang mahiga at magpahinga.
Inalalayan niya ito sa pagpanik at iginiya sa magiging kwarto nila. Sa knila napunta ang pinakamalaking kwarto ng bahay na iyon. May kalakip iyong viewing ddeck kung saan matatanaw nila ang buong karagatan.
Inilagay na niya ang mga bagahe sa gilid ng pinto pagkapasok roon ni Iris. Nakita niya itong tumingin sandali sa see through glass door ng viewing deck bago tumalon padapa sa kama.
Napangiti siya sa inasta nito. Hindi niya aakalain na ang isang tulad nito ay may pag ka childish.
Maya maya lang ay sumunod na siya rito. Pagod rin siya at gusto ng magpahinga kaya't dumapa na rin siya sa tabi nito. Hindi naman niya narinig ang pagrereklamo nito marahil ay tulog na.
Hindi niya namalayan na nakatulog na rin pala siya, nagising lamang siya ng maramdaman niya na parang siya ay nakikiliti.
Agad siyang napamulat pero hindi pa rin siya kumikilos, nakaunan na pala ito sa isang braso niya. Ang mga buhok nito ang kumikiliti sa kaniya.
Nakatalikod ito sa gawi niya at naramdaman niyang ang isang kamay pala niya ay nakapulupot sa bewang nito. Nakadantay rin ang isang binti niya rito na tila anumang oras ay mawawala ito.
Ang sarap ng pakiramdam kapag nasa mga bisig kita, naisaisip niya iyon.
Alam niyang nagising na ito at hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang paliguan ng halik ito. Hindi na siya nakapagpigil pa.

BINABASA MO ANG
Sweet Revelations
RomanceIris Anne Cordova came back to the Philippines for her son. Gusto na kasi ng anak niyang makilala ang ama nito, even though she wasn't sure how would her son's father take it, she took Kian to the Philippines. Killian Achilles Arson, her son's fathe...