Chapter Nine

26.2K 532 8
                                        

NANGINGINIG ang mga paa ni Iris ng makarating siya sa building ng mga Arson. Kanina lamang ay nasa bahay siya ng ama at may ibinunyag ito sa kaniya.

            Hindi siya naniniwala sa sinabi ng ama pero kung totoo man ito ay nais niyang humingi ng paliwanag kay Killian. Hindi nito iyon magagawa sa kaniya. Alam niyang hindi siya madalas sabihan nito ng mahal siya nito pero nararamdaman niya iyon.

            Mahal siya ni Killian at may tiwala siya rito. Nadirediretso na siya sa elevator at  hindi na siya nagtungo  pa reception area. Mukha naman kilala na siya ng mga tao rito dahil minsan na siyang ipinakilala ni Killian sa buong kompanya.

            Kinubli niya ang handle ng bag niya. Naiinip sa sa apat na sulok ng elevator na iyon. Kailangan na niyang makausap si Killian.

            Nang makarating siya sa 30th floor ay agad siyang hinarang ng sekretarya nito na siyang ikinakunot ng noo niya.

            “Ah, Ma’am sabi po ni Sir, bawal daw po siyang istorbuhin, may kausap daw po siyang importante sa loob.”

            Hindi naman niya ugali ang mag bulge-in sa mga meetings kaya’t naupo siya sofa roon.

            “Okay, I’ll just wait here.”

            Nakita niya ang paglunok ng babae kayat nagtaka siya pero agad rin niya iyong binalewala dahil sa ngayon ay medyo inaatake siya ng anxiety. Limang minute pa lamang siyang nakakaupo roon ng mag ring ang intercom s table ng sekretarya.

            “Can you get us a milk?” tinig iyon ng asawa niya. Pinagtakhan niya ang paghingi nito ng gatas gayong hidndi naman ito mahilig uminom ng gatas.

            “And a pregnancy test too!” nagulantang siya ng makarinig ng isang boses ng babae. Narinig pa niya ang pagbawal ni Killian rito.

            “Stop it Carmela! Oo na naniniwala na ako! Miss, hindi na kailangan ng pregnancy test, a milk would do.” Sabi nito bago nawala sa linya.

            Napatingin siya sa sekretarya nito na nakatingin sa kanya at mababakas sa mukha nito ang awa at takot. Umahon ang galit sa dibdib niya pero pinairal niya ang pagiging edukadad niyang tao.

            “Lumabas ka muna and sundin mo ang utos niya.” Mahinahong sabi niya rito. Agad naman itong umalis at sumakay ng elevator. Samantalang siya ay inayos niya ang sarili niya.

            Sobrang galit ang nararamdaman niya, pero kailangan pa rin niyang marinig ang pinaguusapan ng mga ito. Sobra na rin siyang nasasaktan kaya’t hindi na siguro masama kung sasaktan pa niyang lalao ang sarili.

            Lumapit siya sa nakauwang na pinto at kitang kita mula sa uwang ang bulto ng dalawang taong magkaharap.           

            “Carmela… please, tapos na tayo hindi ba?”

            “I’m your fiancé and I’m not just going to let you go!”

            “I already have a son Carmela!”

            “Kaya nga, iwan mo na si Iris, ituturing kong parang anak ko siKian kapag ginawa mo iyon.” Parang gusot na niyang lumapit roon at sabunutan ang babae pero pingilan niya ang sarili niya.

            “I can’t.”

            “Why? Hindi ba’t inutusan ka lang ng ama niya na pakasalan siya?!”

Sweet RevelationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon