ALAS SIYETE ng umaga nagising si Iris. Agad niyang chineck ang phone niya at nakita niya na nagtext mula sa New York ang kaibigan niyang si Patrick. Agad naman niya itong tinawagan.
“Hello! Pat, what’s up?”
“You’re not gonna believe what I’m gonna tell you.”
“Oh Yeah? What is it?”
“I’m going home and I’ve got the biggest problem in the universe. Nakabuntis ako friend! Damn! I can’t take this anymore! I got Maggie pregnant! I wanna die!”
Nagulantang siya sa ibinalita sa kanya ng kaibigan niya. Alam niyang bisexual ito, nagkakaroon ito ng karelasyon na lalaki at babae. Hindi lang niya naisip na makakabuntis ito ng babae at si Maggie pa! Kaibigan nilang dalawa si Maggie.
Magkababata si Maggie at Patrick, isang purong amerikana si Maggie. Hindi katawatawa ang sitwasyonpero hindi niya mapigilang matawa sa reaksyon ng kaibigan.
“You got the guts to laugh at my situation samantalang ako naiiyak na. Papatayin ako ng tatay ni Maggie kaya ako uuwi diyan.”
“Sorry I can’t help it! Ginusto mo rin naman iyon ha? Don’t tell me hindi ka nagenjoy? Baliw ka ba?! Bakit mo iiwan si Maggie?”
“Argh! Ikaw ata ang nababaliw diyan! Bahala siya, basta I’m going home and I’m gonna message you kapag nariyan na ako. Sunduin mo ako ha! Bye.” Bigla nalang siyang binabaan ng telepono ng taong iyon.
Napailing na lamang siya. Kahit kalian talagang gagawa ng kalokohan iyon!
Nagpunta siya ng kusina dahil nakadama siya ng gutom. Alam na niya, ipagluluto na lang niya ng agahan ang anak, idadamay na rin niya ang ama nito. Nagluto siya ng agahan, ipinagtimpla niya ng gatas ang anak at kape siKillian.
Kasalukuyan siyang naghahain ng makarinig siya ng yabag papunta sa kusina. Tinignan niya kung sino ang taong iyon at nakita niya si Killian na nakatingin sa mga pagkain.
“Hmmn, ito pala iyong naamoy ko. Bakit an gaga moa ta nagising? Ikaw ba ang nagluto niyan?” tanong nito sa akin habang inaayos ang kurbata nito.
“Oo, ipinagluto ko kayo ni Kian. May oras ka pa ba? Kumain ka muna’t sabayan mo si Kian. Gigisingin ko lang siya.”
Tumingin ito sa akin at sa wrist watch nito.
“Meron pa naman.” Sabi nito bago umupo sa upuan. Ginising na ni Iris si Kian para sa agahan. Pinaghilamos at sipilyo niya ito bago sila bumaba.
“Good Morning Dad!” bati ni Kian sa ama.
“Good Morning Kian.” Nginitian ni Killian ang anak. Inasikaso naman na ni Iris si Kian sa upuan, siya ang naglagay ng mga pagkain sa plato nito. Inaalok niya rin Killian ng mga pinagbibigay niya kay Kian.
Pati si Killian ay nilalagyan niya ng pagkain sa plato. Nakamaikling shorts lamang siya at isang oversized tee ang suot niya kaya’t napansin niya ang sandaling pagsulyap ni Killian sa mga hita niya.
“Ehem. Kumain ka na rin.” Pinaupo siya sa gilid nito.
Umupo na rin naman na siya at kumain. Tinanong ni Killian si Kian pamaya maya kung anong oras ang usapan nito at ng mga lola nito.

BINABASA MO ANG
Sweet Revelations
RomanceIris Anne Cordova came back to the Philippines for her son. Gusto na kasi ng anak niyang makilala ang ama nito, even though she wasn't sure how would her son's father take it, she took Kian to the Philippines. Killian Achilles Arson, her son's fathe...