Chapter Two

40.5K 758 7
                                    

KASALUKUYANG pinageempake ng gamit ni Iris si Kian ng lumapit sa kanya si Killian. Tinignan niya ito at ito naman ay nakatingin lang sa ginagawa niya.

"Asan si Kian?" tanong niya rito.

"Ayon, iniwan ko muna sa sofa. Mag usap tayo."

"Sige. Ano ba 'yon?" tugon niya rito habang nagaayos pa rin ng gamit ni Kian.

"Sabi mo kanina, itinakwil ka ng ama mo nung nalamang buntis ka?" Tango lang ang isinagot ni Iris rito. "So, alam nilang anak ko si Kian?"

Hinarap niya ito bago sumagot. "Hindi, hindi ko sinabi dahil sa sitwasyon noon. Lalo lang lalaki ang gulo sa pagitan ng pamilya natin."

Tumango tango ito bilang pagunawa at saka nagsalitang muli. "Pero ngayong okay na ang pamilya natin. Ano ang balak mo?"

"Ipapakilala ko sa kanila si Kian bilang anak mo. Hayaan mo, hindi ko kukunin syao ang kalayaan at karapatan mo. Hindi solusyon rito ang pagpapakasal. Aayusin natin sa korte ang kustodiya ni Kian. Babalik ako ng New York para magtrabahong muli."

"Ah, Oo. Isa ka nga palang model roon. Nakita kita minsan sa tinitignan ni Danica na magasin. Pero hidni ba't konserbatibo ang iyong ama kaya mapapasok rin talaga sa usapan ang marriage."

"Pero simula ng tinakwil niya ako, nawalan na siya ng karapatang hawakan ang buhay ko."

"Sige, disregard marriage from this arrangement but you have to come with us. You're still Kian's Mother, you can stay at my house."

"No. I will stay here."

"For Kian, just do what I say." Maotoridad na sabi nito bago tinalikuran si Iris.

Napabuntong hininga na lamang si Iris sa sitwasyon. Ayaw rin naman niyang iwan ang anak kay Killian pero utang niya rito ang mga panahong hindi nito naksama si Kian na lumaki. Tila wala siyang magagawa pasa sinabing iyon ni Killian kaya't nagimpake na siya ng mga damit niya.

MAAGANG nagising si Iris Anne ng araw na iyon. Alas singko siyang nagising at nagayos ng sarili. Nagsuot lamang siya ng cycling shorts, razor back na sando at rubber shoes. Balak niyang magjogging ngayong araw ng lingo.

Kinuha niya ang phone niya at earphone sa lamesa ng kwartong iyon. Kwarto iyon sa bahay ni Killian at mag iisang lingo na silang tumutuloy roon ni Kian.

Pumunta siya sa tinutuluyang kwarto ni Kian ng mapansing nakauwang ang pinto na iyon. Kinabahan siya pero agad ring nawala iyon ng makitang si Killian ang nasa loob ng kwarto.

Agad siyang napansin nito at lumingon sa pintuang kinatatayuan niya. Sinuyod siya ng tingin nito mula ulo hanggan paa. Kumunot ang noo nito sa kanya bago tumikhim.

"Ehem. Aalis ka?" tanong nito sa kanya.

"Oo, I'm gonna take a jog. Aayain ko sana si Kian, it's our bonding you know. Ikaw, what are you doing here?"

"I woke up early and I noticed Kian's already awake. So I went here and saw him fixing himself."

Nakita niya si Kian na papalabas ng banyo at nakagayak na nga.

"Mommy! You're here. Good Morning! Come on, Dad. Join us. Let's take a jog. Mom, is that okay with you?"

"A-ahh. Oo nga Killian. Sumama ka sa amin." Aya nalang niya kay Killian.

"Sure, sandali lang and I'll change." Paalam nito bago lumabas ng kwartong iyon.

"Mom, it's so cool. We're gonna take a jog with Dad!" Excited na turan ng anak ni Iris. Kinuha na ni Kian ang Itouch nito at earphones. Ginaya nito ang ina.

Sweet RevelationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon