NAMUMUGTO pa rin ang mata ni Iris mula sa pag iyak habang nakahiga sa kwarto niya sa bahay nila. Naroroon siya sapagkat doon siya nagtungo mula ng gabing hindi siya umuwi sa bahay nila ni Killian.
Pitong araw na mula ng ibalibag niya kay Killian ang wedding ring nila. Nagkalat ang mga tissue paper sa paligid at gulo gulo ang higaan. Hanggang ngayon ay napakasakit pa rin sa kniya ang natuklasan niya.
Pitong araw na nga ngunit ni punatahana at paliwanagan siya hidni man lang ginawa ni Killian. Sabagay, bakit nga naman gagawin iyon ni Killian?
Hindi naman pala talaga siyang minahal ni Killian at napagutusan lamang ito ng ama niya bilang isang responsibilidad. Isa pa'y fiancé pala nito ang Carmela na iyon at buntis pa.
Kanina lang ay nalaman pa niyang buntis pala siya, kaya't hindi siya natigil sa pag iyak niya ay namomroblema siya. Paano niya haharapin ang nangyayari sa kaniya? Mauulit nanaman ba ang nangyari kay Kian noon?
Mag-isa nanaman ba niya itong papalakihin? At paano niya ipapaliwanag kay Kian at sa magiging baby niya na ang tatay nito ay may ibang pamilya? Hindi niya ata kakayaning maramdadman ng mga anak niya ang sakit na nararamdaman niya.
Buti na lamang kahit stress siya ay walang nangyayaring masama sa baby niya. Nagdesisyon siyang itigil ang pagmumukmok sa kwarto niya para mawala ang stress na iyon.
Hindi niya alam kung may mas isasakit pa ang nararamdamn niya ngayon pero pinilit niyang bumangon sapagkat ngayon ang interview niya sa stasyon nila Dashiel.
Si Danica ang host na magiinterview sa kniya. Hindi naman na siya makakapag back out pa dahil lamang masama ang pakiramdam niya.
It is the right time para naman ipakilala na niya ang anak niya sa industriyang ginalawan niya. Pinilit talaga niyang bumangon.
Dinamihan niya ang concealer para maitago ang pamumugto ng mga mata niya. Nagbihis siya ng maayos para sa interview at lumabas ng kwarto niya. Nabungaran niya si Iya na padaan sa tapat ng kwarto niya.
"Ate, are you sure you wanna do the interview right now? Can't you postpone it?" tanong sa kaniya nito pero desidido na siya.
"I'm a professional Iya. Kaya ko ito, I've gone through a lot of things. I can do it." Pinilit niyang ngumiti sa kapatid.
Hinawakan nito ang mga kamay niya at tinignan siyang mabuti.
"'Pag ate hindi mo na kaya, sabihin mo lang sa amin ha. I could kill him for you." Pagbibiro nito sa kanya. "Ano k aba ate, pinapatawa kita tapos iyang million dollar smile mo ang ibibigay mo sakin? Tawa ang gusto kong marinig hano!"
"Everything will be okay Iya. Masakit pa lang talaga ngayon."
"Basta ha, kahit anong mangyari mamaya, sana gawin mo iyong tamang desisyon na makakapagpasaya sayo. Never ever lack faith, hope, trust, and love ha."
Nginitian niya ang kapatid at inakap ito ng mahigpit.
"Ano k aba? Ako ang ate mo dapat sakin nanggagaling iyan."
"Ano k aba ate? Ikaw lang pwede ganon? Basta! Mamaya lang rin, you'll be happy again!" Makahulugang sabi nito, hindi na niya ito pinansin dahil mahilig talagang magbiro ang kapatid niyang iyon.
"Oh, andiyan pala kayong dalawa. Nagmoment pa kayo, ate nasa ibaba na Kian at iginayak na ni Mama. Gusto mo bang ihatid ko kayo?" alok sa kaniya ni Isaac na tinanggihan lamang niya.

BINABASA MO ANG
Sweet Revelations
RomanceIris Anne Cordova came back to the Philippines for her son. Gusto na kasi ng anak niyang makilala ang ama nito, even though she wasn't sure how would her son's father take it, she took Kian to the Philippines. Killian Achilles Arson, her son's fathe...