MAAGANG natapos sa pag gayak si Iris. Alas sais treinta palang ay tapos na siya sa pagaayos ng sarili. Alas siyete ang napagusapan nilang oras ni Killian.
Pinili lamang niyang magsuot ng simpleng knee length white dress na pinarisan ng skin toned high pointed heels. Tinernuhan niya ito ng white gold na relo at inilugay lang niya ang kanyang buhok. Tamang tama lamang ang suot niya para sa magaganap na dinner mamaya.
Nagdala rin siya ng isang pouch bag bago lumabas ng kaniyang kwarto.
Pinuntahan niya si Kian sa kwarto nito pero wala na ito roon. Mukhang tapos ng gumayak ang kanyang anak kaya’t bumaba na siya ng hagdan sa pagbabakasakali na nandoon na ito.
Tama nga, naroroon sa sala naghihintay ang mag ama niya. Agad siyang binati ng anak niya pagkakita sa kanya.
“Mommy! You look beautiful!” puri nito sa kanya ng makalapit ito bago siya akapin.
“My sweet darling.” Ginantihan niya ito ng mahigpit na yakap. Sobrang mahal na mahal ni Iris ang anak niyang si Kian.
“You’re stunning.” Narinig naman niya ang puri na iyon mula kay Killian. “Let’s go para makarating tayo roon ng maaga.”
“Sige.”
Naglakad na sila papunta sa garahe nito at pinili na lamang nito na sa SUV sila sumakay. Si Killian ang nagdrive, hindi na ito nagpadrive sa driver nito. Sa harap ako nito pinaupo habang si Kian ay sa likod.
Tanong lang ng tanong si Kian tungkol sa mga magulang ko at ni Killian sa buong biyahe. Mga labing limang minuto ang nakalipas bago kami nakarating sa Mansyon ng mga Cordova.
Agad na gumapang ang kaba sa sistema ni Iris ng matanaw ang mga sasakyan. Napatingin naman sa kanya si Killian ng makaparada ito at patayin na ang makina.
“Are you okay? I bet naririto rin si Grandma and Uncle Steve.” Ang tinutukoy nitong tiyo ay ang kakambal ng ama ni Killian.
“Mukha ngang maraming tao. Akala ko ba simpleng dinner lang ito.”
“Oo nga, simple lang ito Iris.”
“Pero bakit ang raming tao?” nagsimula ng mag hysteria si Iris dahil sa sobrang kaba. Para sa kanya ay marami na iyon idagdag pa ang pamilya niya at pamilya ni Killian.
“Are you fighting Mom? Dad?”
Napalingon naman si Iris sa anak at nginitian ito.
“No baby. Mom’s just nervous.” Paliwanag niya sa anak.
Tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay niya. Napangiti si Iris sa ginawi ng anak. Her Kian is always sweet to her.
“Don’t worry Mom. Andito kami ni Daddy for you. Right Dad?”
“Yes, nothing to worry Iris.” Pagbibigay nila ng lakas loob kay Iris.
Lumabas na sila ng sasakyan at pumasok sa mansiyon. Pagkapasok nila ay agad bumungad sa kanila ang maraming taong masayang naguusap. Mukhang hindi pa nito napapansin ang presensya nilang tatlo.
Agad na inestima ni Iris ang mga tao sa paligid niya. Masyadong maraming tao yata. Mula sa ama, ina, dalawang kapatid, hanggang sa lola, uncle, ama, ina, at isang kapatid ni Killian ay naroroon.
Hinawakan ni Killian ang balikat niya na para bang sinasabi nitong magrelax siya. Binitawan rin nito iyon bago lumapit sa mga taong masayang nagkwekwentuhan sa salang iyon.
“Good Evening everyone! Grandma!” Masiglang bati ni Killian sa mga ito at tila mas lalong naragdagan ang kasiyahan sa paligid. Mukhang close na nga si Killian sa pamilya niya maging ang pamilya niya sa pamilya nito.

BINABASA MO ANG
Sweet Revelations
RomanceIris Anne Cordova came back to the Philippines for her son. Gusto na kasi ng anak niyang makilala ang ama nito, even though she wasn't sure how would her son's father take it, she took Kian to the Philippines. Killian Achilles Arson, her son's fathe...