"GOOD MORNING Daddy! You're not going to work today?" tanong kay Killian ng anak niya habang bumababa ito sa hagdan.
"Oh Kian, you're up early? Eight pa lang ha. I don't have office work today." Isinara na niya ang kaniyang laptop. Kasalukuyan siyang nasa sala at doon naglalaptop. Ngayong araw ay iniuwi niya sa bahay ang kaniyang trabaho.
"I'm hungry Daddy. I guess Mommy is still in bed. She's also working on her laptop last night tapos we cooked and baked and cleaned pa that afternoon." Paliwanag nito sa kanya habang binubuhat niya ito pakandong sa kaniya.
"Ah ganon ba? Kawawa naman pala ang mommy mo. You're hungry diba? Why don't we make us breakfast and your mom a breakfast in bed?" alok niya rito.
Marunong naman siya sa mga gawaing bahay kaya walang problema sa kaniya ang pagluluto. Inaya niya ito sa kusina para magluto.
It's been a week since that lunch with Dashiel and Danica, since then he had been busy with work. Hindi na niya madalas makausap ito.
Ang sabi pa naman niya ay iwowork out nila ang relationship nila para kay Kian pero siya naman pala itong busy.
Hindi niya alam pero nang makita niya ito sa lobby ng kompanya kausap ang writer na iyon ay biglang gusto nalang niyang angkinin ito lalo nan g makita niya ang asungot na lalaking iyon na hayop kung makatingin kay Iris.
Impokrito siya kung sasabihing hindi siya naaakit sa babaeng iyon. Sino bang hindi maaakit kung makakasama mo sa isang bubong ang babaeng iyon araw araw. Madalas pa man din itong mag short ng maikli at maluluwag na damit.
Kapag naman lalabas ay sexy palagi ang postura nito, ang mga damit nito ay madalas magpakita ng mga tagong balat nito sa katawan. Hindi niya alam kung nananadya ba talaga ang babae o ano.
Hindi pa rin siya makapaniwala na kahit may anak na ito ay maganda pa rin ang hubog ng katawan nito. Hindi rin niya maitatanggi na nagkaroon siya ng pagnanasa rito sa unang pagkikita pa lamang nila noong teenager pa sila.
Kaya lamang ay marami ang hahadlang kung sakali, kaya ng magkaroon siya ng pagkakataon ay nakiagos na rin siya daloy ng sitwasyon.
Lasing siya, oo, may ipluwensiya rin siya ng droga pero bawat sandal ng mga oras na iyon ay alam na alam niya ang ginagawa pero hindi na rin niya napigilan ang sarili kaya't nangyari ang dapat mangyari.
"Daddy, it's burning!" Agaw ng anak niya sa atensiyon niya. Napatingin nga siya sa niluluto at malapit na itong masunog buti't naisalba niya ito.
"Kian, can you make your mom a cup of milk?" inutusan niya ang anak na ipagtimpla ang ina nito.
"Yes, dad. Daddy, I'm not gonna eat rice today. I feel like eating pancakes." Sabi nito habang kinukuha ang baso at ang titimplahin.
"Pancake it is then." Mabilis siyang nagluto ng pancake at kumain silang mag ama.
Maya maya lang ay iniayos na nila ang pagkain na dadalhin nila para kay Iris.
Pumanhik na sila ng hagdan at nagtungo sa kwarto nito. Mukhang tulog pa nga ito dahil walang sumasagot kaya pinakuha nalang niya sa anak niya ang duplicate key ng kwartong iyon.
Binuksan nila iyon at tila napako siya sa kinatatayuan. Dios mio. Nakalihis ang silk night dress nito kaya't kitang kita ang makinis at mahahabang hita nito.

BINABASA MO ANG
Sweet Revelations
RomanceIris Anne Cordova came back to the Philippines for her son. Gusto na kasi ng anak niyang makilala ang ama nito, even though she wasn't sure how would her son's father take it, she took Kian to the Philippines. Killian Achilles Arson, her son's fathe...