Andrea
21 Pebrero 2019
"Hay nako Drea, hindi ka nanaman ba umuwi? Hindi ko na rin kasi natignan kung nakauwi ka. Eto, mag kape ka."
Biglang bungad sa akin ni Jasper.
Si Jasper, detektib rin siya kagaya ko. Kaklase ko at malapit na kaibigan simula noong high school at anak ng sister company ng kumpanya ng pamilya ko. Siya ang kapartner ko sa trabaho at sa kung ano-ano pa.
"Salamat, hindi ako makauwi eh."
Tumango naman siya at umupo katabi ko, magkatabi lang kase ang lamesa naming dalawa, dahil magkapareha naman kami, "Dre, may bagong kaso nanaman daw ng panggagahasa sabi ni sir at naipasa nanaman sa atin," putcha naman eh, hindi pa nga ako nakakalahati sa iniinom kong kape. Tumango na lang ako nang hindi pinapakita ang pagkadismaya at kinuha ang mga kakailangin.
Kadalasan lang talaga na napupunta saamin ang mga kaso ng panggagahasa. Noong isang araw lang ay may batang propesora na dalawampu't siyam na taong gulang ang ginahasa at pinatay sa isang pribadong paaralan sa Makati. Hanggang ngayon ay iniimbistigahan pa rin namin ang mga nangyari. Wala pa rin kaming nakukuhang lead mula sa kaso. Napakalinis ng pagkakagawa ng suspek. Napakahirap din namang makausap ang mga ibang propesor at estudyante sa eskwelahan dahil lahat may lusot.
Pumunta kami sa lugar kung saan nandoon ang biktima na nag uundergo pa ngayon sa autopsy. Napag alaman na ginahasa ito ng dahil sa pinaghalong dugo at likido ng similya ng lalaki na natagpuan sa may bukana ng pagkababae ng hindi pa kilalang biktima, "alam ninyo, Jasper at Drea, malaki ang kutob ko na hindi lang basta panggagahasa ang nangyari. Tignan ninyo, walang kung anumang pasa na nagmarka sa katawan niya. Isa pa, nalaman namin na nailagay pala sa ref ang biktima," kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Faye na siyang nag autopsy. Sakto naman pagkatingin ko kay Jasper na nakatingin rin siya sa akin nang punong puno ng katanungan ang itsura.
Pareho kaya kami ng iniisip na dalawa?
-#-
Pagkatapos kong mag tanong-tanong ulit kung may nakakita ba sa nangyari ukol kay Marianne Sumalang na propesora na ginahasa rin ay dumiretso na ako sa istasyon para kausapin si Jasper.
"Dre, may nakuha kaba?"
"Wala pa talaga, saka iba na ngayon. Marami na raw ang lumipat ng eskwelahan simula ng nangyaring rape at murder sa mismong inabandonang bahagi ng eskwelahan. Maraming magulang ang nagrereklamo dahil baka gawin rin ng suspek ito sa mga anak nila. Mas mahirap dahil baka nga isa sa kanila ay witness sa kaso."
Tumango naman si Jasper at may kinuhang dukomento mula sa drawer ng lamesa niya. Inabot niya ito sa akin at ako naman ay tinignan lang siya na may maraming katanungan.
"Kung ako ay isang magulang siguradong hindi ko rin hahayaan na pumasok ang anak ko. Tama naman ang ginawa nila, pero tignan mo ito. Nilunod raw ang biktima ayon sa autopsy, sabi ni Faye malaki raw ang posibilidad na pinanood ng suspek na malunod ang biktima at eto pa. May isang klase ng droga raw na nahanap sa katawan ng hindi pa kilalang biktima, Rocuronium."
Iba agad ang naging pakiramdam ko. Una, nalagay sa ref ang biktima. Pangalawa, may isang uri ng droga ang nahanap sa katawan ng biktima. May kutob ako nung una na sangkot ang kaso na ito sa kaso ni Marianne Sumalang. Pero mukhang malayo rin, naguguluhan na talaga ako.
"Alam mo Jasper, kanina may kutob ako na kasangkot ito sa kaso ni Marianne Sumalang pero nakakaduda eh. Kailangan na lang nating malaman kung sakaling ilang taon pa ang biktima, ayon kase sa mukha niya ay napakabata pa niya."
BINABASA MO ANG
Bloody Crimes (Completed)
Mystery / ThrillerA teacher and a student, both raped and murdered on a different day, with suspicions of having the same suspect, two detectives tries to solve the case and somehow starts to discover something more. story written in filipino.