Agad naman na lumaki ang mga mata ni Andrea at mabilis na kinuha ang notepad at ballpen niya. "Sino ka? Kaano-ano mo ang biktima? Paano mo alam kung sino?" Tatlong magkasunod na tanong ni Andrea sa estudyanteng kausap.
Huminga naman ng malalim ang estudyante bago tulayang sumagot, "Tiffany Santos, kaibigan ni Abby, nung araw kase na namatay si Miss Sumalang, yun yung araw na makikipagbreak si Abby kay Rave, t-they had a very toxic relationship may mga araw na sweet si Rave at may mga araw rin na nasasaktan niya si Abby, I was with her that time, nasa may labas lang ako ng room kung 'san sila nag-uusap."
Tiffany went silent again at pinahiran ang pawis gamit ang panyo niya saka muling huminga ng malalim, "Naririnig kong sumisigaw na si Rave na parang nagwawala, gusto kong tulungan si Abby, I swear papasok na sana ako sa room para tulungan siya pero hindi ko ginawa, before pa ng kausapin niya si Rave sinabi niya na sakin na kahit anong mangyari I can never interfere sa away nila and whenever I think na delikado na I should call a number na tutulong."
"Lumayo ako sa room para hindi ako marinig ni Rave, doktor raw 'yon ni Rave na tutulong para mapakalma siya, kaya mabilis kong tinawagan yung number, ang sabi niya sakin medyo malayo siya pero pupunta siya, pabalik na sana ako ng room ng makita ako ni Miss Sumalang na mag-isa, tinulungan niya pa akong makauwi at kinuhanan ng grab kahit sinabi ko na ayoko pang umuwi, wala akong nagawa kasi sabi niya tatawagan niya si papa kung hindi pako uuwi, wala akong choice."
"Naniwala ko na darating yung doktor na sinasabi ni Abby. Malapit na sana ako sa may bahay namin ng pinabalik ko yung taxi driver dahil hindi ako mapakali kakaisip ng kung ano-ano, pero natagalan ako ng dahil sa traffic, pagdating ko 'dun nasusunog na yung room, at may mga pulis na rin, umuwi ako ng kinakabahan at maraming beses na tinawagan si Abby pa makasigurado, ng hindi pa rin siya sumasagot ay tinawagan ko ang bahay nila, ang sabi ni tita nasa bahay na raw nila si Abby, kakarating lang rin."
Napatigil sa pagsasalita si Tiffany ng abutan siya ni Jasper ng tubig at bumalik na sa desk niya.
"Kinabukasan ng pumasok ako sa eskwelahan 'dun ko na lang nalaman na wala na si Miss Sumalang, hinanap ko kahit saan si Abby ng araw na 'yun pero wala siya, at sa mga sumunod pang mga araw at linggo, sabi ni tita nagkasakit raw kaya pumunta ako sa bahay nila para tignan kung kamusta na siya, kung nagkasakit ba siya. Ilang beses ko rin kasi siyang tinawagan 'nun pero nakapatay naman yung phone niya. Ng makarating ako sa bahay nila sabi ni tita kakaalis lang raw ni Abby kasama si Rave, umaga 'yun, may pasok kami, maaga pa'kong umalis sa bahay, nag taxi pa nga ako 'nun para sabay kaming pumunta sa eskwelahan."
Hindi na napigilan ng estudyanteng mapaiyak. Mabilis naman ang pag-abot ni Andrea ng tissue para mapunasan ni Tiffany ang mga luha, "Dapat kasi pinuntahan ko na agad siya kahit alam kong papagalitan ako nila ni papa, dapat hindi ko na pinatagal pa, d-dapat p-pumunta ako ng mas maaga."
Humintong muli si Tiffany sa pagsasalita at pinunasan ang luha niya bago huminga ng malalim, parang kumukuha ng lakas na loob para ipagpatuloy ang sasabihin.
"Pumunta ako sa eskwelahan ng mag-isa nung araw na 'yun, akala ko okay na sila ulit ni Rave kaya magkasama, ganun naman sila eh, kahit kasi minsang sinasaktan ni Rave si Abby mahal ni ang isa't-isa, yung kaibigan ko naman sobrang marupok, kahit ano tinitiis."
"Hindi ako pumasok ng higit isang linggo pagkatapos 'nun dahil nag travel kami ng pamilya ko, pagbalik ko sa eskwelahan, nagkakagulo na 'tas, p-pagpasok ko sa room, bigla na lang akong niyakap ng iba ko pang kaklase, nagulat ako nung una, akala ko na miss lang nila ako. Nung humiwalay na'ko sa yakap nakita ko nalang na umiiyak na sila.
BINABASA MO ANG
Bloody Crimes (Completed)
מתח / מותחןA teacher and a student, both raped and murdered on a different day, with suspicions of having the same suspect, two detectives tries to solve the case and somehow starts to discover something more. story written in filipino.