Mahina lang ang pagkakasabi ng binata nito kaya hindi gaanong narinig ng dalawang detektib na kausap niya. Tatanungin na sana ulit siya ng dalagang detektib para ulitin ang mga sinabi niya, ngunit ay hindi ito natuloy ng bilang pumasok ang mga kasamahan rin nitong isa pang detektib.
"Dre! Hindi mo na siya kailangang kausapin pa. May sumuko ng killer na siyang pumatay raw sa biktima."
Hindi makapaniwala si Drea at Jasper sa nangyari. Halos hindi na nga maipinta ang kanilang mga itsura habang nakatingin sa isa't isa at naguguluhan sa mga pangyayari. Ngunit hindi na sila nag paligoy-ligoy pa at pinuntahan ang sinasabing sumuko raw na inaamin ang kasalanan. Agad silang nagmadaling nagtatakbo at nagulat sila sa nakita, lalo na si Jasper na hindi na maipinta ang itsura at nakakuyom pa ang palad.
Ang propesor na nakausap niya kanina. Gusto niya mang sapakin ito dahil sa kababuyan na ginawa ngunit ay pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang magpaka propesyonal lalo pa't nakaupo ito sa harap nang boss nila na merong dalawang mga pulis rin na nakabantay.
"Ikaw, ikaw ang gumahasa kay Abigail?"
Ngumiti pa ng nakakaloko ang propesor at nagawa pang itaas baba ang kilay. Ibang-iba ito sa propesor na nakausap kanina ni Jasper, sobrang iba. Hindi sinagot nang propesor ang katanungan ni Jasper sa kanya ngunit ay ipinakita niya ang kanyang mga kamay sa dalawa. Hindi ito naka handcuffs at para bang sinasabihan sila na i-handcuff siya at igaya sa interrogation room kung saan niya sasabihin lahat.
Nagtataka pa ang dalawa ngunit ay ginawa nila ito. Tumatawa tawa parin ang propesor na para bang baliw. Nakaupo ang propesor sa kabilang dulo nang mesa kaharap ang dalawang detektib na may mga dalang nakabukas na laptop at mga ilang papel na may iilang lamang katanungan para sa kanya. Nang sinimulan nila ang pagsulat ay nagkaroon ng konting katahimikan.
"Fabio Vallente, iyan ang pangalan mo diba? Oh baka naman pati iyan hindi mo pala totoong pangalan."
Mas naging malakas pa ang tawa ng propesor at humagikhik pa ito ng napakalakas na may tono pang sarkastiko. Ngunit ay noong matapos na siya sa kaniyang pagtawa ay seyoso niyang tinignan si Jasper. Tinapunan niya ito ng masakit na tingin, maangas at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatagis pa ang bagang niya. Pagkatapos ng ilang sigundo ay dumura pa siya. Mabuti nga lang at hindi ito sa lamesa o kaya naman sa isa sa kanilang dalawa. Ngunit ay dumura siya sa sahig ng interrogation room.
Inilapit niya ang kaniyang mukha sa dalawa at ngumisi pa.
"Bakit mo ako tinatanong niyan? Detektib kayo diba?! Trabaho ninyong alamin ang lahat!"
Agad namang nagtagis bagang si Drea at hinampas ang hawak-hawak na folder na may lamang mga files sa lamesa. Umupo si Drea sa upuan malapit kay Fabio at tumawa. Tinignan niya rin ito ng masakit at seryoso.
"Sabihin mo ang totoo."
Sabi ni Drea saka ulit na tumayo. Hindi pa rin naman natitinag ang suspek at ngumise pa ito.
"Ang bilis mo naman yatang magalit. Maganda ka sana saka sexy kaso hindi mga tipo mo ang tipo ko."
BINABASA MO ANG
Bloody Crimes (Completed)
Mystery / ThrillerA teacher and a student, both raped and murdered on a different day, with suspicions of having the same suspect, two detectives tries to solve the case and somehow starts to discover something more. story written in filipino.