Kabanata Lima

39 9 0
                                    


13 Pebrero 2019


Naglalakad ang isang dalaga ng may nakita siyang hindi inaasahan. Isang dalaga at isang binata ito, at sa pagkakaintindi niya nagkakatuwaan lamang ito ng hindi inaasahang biglaan na may narinig siyang humihingi ng tulong. Dali-daling binalikan ng dalaga ang dalawang teenager na nakita at nakitang nakaupo ang dalaga at pinapawisan.


"tama na-- ayoko na, huwag bitawan mo ako! nasasaktan ako!"


Pilit na kinukuha ng dalaga ang kamay ng binata sa kanyang bewang. Punong-puno ng galit ang itsura ng pinagpawisang lalaki. Bigla itong ngumiti at walang pag-aalinlangang hinila ito ang buhok ng dalaga.


"Sana ito yung sumagi sa isipan mo bago mo ginawa iyon."


"Patawad, hindi ko sinasadya."


"Hindi mo sinasadya?!"


Sigaw ng binata sa dalaga at sinampal ito ng napakalakas, "p-patawarin mo a-ako." Takot-na takot at pinapawian na ang dalagang nanunuod sa mabilis na pangyayari at walang pag-aalinlangang tumakbo ito papunta sa dalawa at pumagitna rito. "Huwag mo siyang saktan! Kahit ako na lang, ako na lang ang saktan mo maawa ka sa kanya."


"Pwede ho ba, huwag mo kaming pakaelaman? Dahil wala kang alam sa mga ginawa ng babaeng ito, wala kang alam! Ang problema namin samin lang, huwag kang epal. Kung ako sayo umalis ka na bago pa kita masaktan."


Mabilis na tumalikod ang dalaga sa isa pang dalaga na halatang nasaktan sa nangyari at bumulong rito. "umalis kana, iligtas mo ang sarili mo." Akmang haharap na ang dalaga sa lalaki ng biglaan siyang tinulak nito papalayo. Hindi naman nagtagal na bumangon muli ang dalaga at hinila ang binata papalayo sa dalaga,"takbo!" Sigaw ng dalaga ngunit ay hindi pa rin ito umalis, kumuha ito ng isang curtain rod na nasa gilid nito at hinampas sa ulo ng binata dahilan para mapasigaw ito sa sakit at mapahiga ng tuluyan. 


Akmang tatakbo na papalayo ang dalawang dalaga ng biglang bumagon sa pagkakahiga ang binata napakabilis ng pangyayari at hindi na napansin ng isang dalaga na hinila na pala ng binata ang buhok ng kasama dahilan para mapaiwan ito at siya naman para tuluyan ng lumayo.


Biglaan ang lahat at mabilis na inilagay ng binata ang panyong inilagyan ng chlorofoam para mawalan ng malay ang dalaga. Sinira rin nito ang kanyang damit at walang pag-aalinlangang ginahasa niya ito at pagkatapos noon ay kumuha siya ng kutsilyo sa kanyang bulsa at tinaga ang dalaga sa iba't-ibang bahagi ng katawan nito saka umalis. Inilagay niya sa isang papel ang kutsilyo at inilagay ulit sa bulsa niya. Saka mabilis na dinial ang numero ng isang kakilala, "tumawag ka ng ambulansya." Saka nagmadaling umalis sa lugar na iyon.


#


Hingal na hingal ang dalaga at pawis na pawis ng tumalikod sa pag-asang magkasama pa sila ng dalagang lumigtas sa kanya. Ngunit hindi niya ito nahanap, wala na ito sa likuran niya. Hindi mapakaling tumakbo siya pabalik sa kung nasaan sila kanina ng hindi inaasan sa kanyang nakita. Isang bangkay ng dalaga na kanyang kasama kanina lamang. Sira-sira na ang damit nito at duguan ang katawan. "Hindi, hindi! Bakit mo pa kase ako iniligtas? Bakit?" Sigaw ng dalaga at niyogyog pa ang katawan nito. Ng makarinig ng tunog ng ambulansya ay takot na umalis ito.

Bloody Crimes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon