Kabanata Tatlo

59 8 0
                                    

Tumango ang dalaga at bumuntong hininga. Inayos niya rin ang pagkakaupo at inilebel ang mukha sa binata.

"Alam ko, Rave Ashton, Rave Ashton Taylor, iyan ang pangalan mo."

Sabi ng dalaga at bahagya pang ngumiti habang nakaiwas ang tingin sa binata na umiinom ng beer na ibinigay niya. Napatitig naman ulit ang binata sa dalaga na nakatingin sa mga bituin. Pamilyar ang itsura nito sa kanya. Maaaring nakita niya na ang dalaga dati, ngunit ang problema lang naman ay hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita at kung kailan. 

Marahil ay napagtanto ng dalaga na kanina pa nakatitig sa kanya ang binata ay napatingin rin siya dito. Agad namang nag-iwas ng tingin ang binata at itinuon na lang sa mga ulap ang tingin habang iniinom pa rin ang beer na bigay ng dalaga.

"Sino ka ba? bakit mo ako nilapitan?"

Umiling lang ang dalaga at ginulo pa ang buhok ng binata na ipinagtaka naman ng binata at naibaling nito ang atensyon sa kanya.

"Tama na iyan. Tara sumama ka para malaman mo kung sino ako."

Napakamot naman ng ulo ang binata. Nag-aalangan pa ito na sumama sa dalaga, ngunit batid niya na wala itong masamang binabalak. Hindi naman kasi mukhang miyembro ng isang ilegal na gawain ang dalaga. Wala nga kase sa itsura.

Ilang minuto narin silang naglalakad ng dalaga ng mabatid ng binata na nasa harap na sila ng isang istasyon kung saan hinabol niya ang isang detektib. Nagtaka pa nung una ang binata ngunit ay nawala rin ito ng maalala niya kung kailan at saan niya nakita ang dalaga. Nakita niya ito sa eksaktong lugar kung nasaan sila ngayon. 

Ang dalagang kasama niya ay ang mismong detektib rin na kasamahan nang lalaking detektib na kinausap at sinundan niya kanina. Bumayad sa mukha ng binata ang pagkatakot kung baka ano ang itatanong pa ng dalaga. Pumasok naman siya kasama ng dalaga na walang pag-aalinlangan.

Kung may pagdududa man sila na ako ang pumatay kay Abigail ito lang ang nag-iisang sulusyon para mapatunayan na hindi ako ang pumatay rito.

Nasa isip nang binata habang naglalakad kasama ang dalaga.

"Drea, may kasama ka atang kano ah!"

Sigaw ni Niel kay Drea habang papasok ito kasama ang binatang Filipino/American. Tumango lang si Drea bilang bati at kaagad na idinala ang binata sa interrogation room kung saan tinatanong ang mga suspek, pwedeng maging supek, at iba pa na maaaring may kinalaman sa isang kaso. Pinapasok niya ang binata rito na siya namang sinunod ng binata. Isinarado ng dalaga ang pinto nito at iniwan ang binata sa loob. Pagkalabas ng dalaga sa interrogation room ay nakita niya kaagad si Jasper.

"Wala kaman lang bang awa doon sa bata? Wala naman siyang kasalanan eh."

Umiiling-iling pa ito habang nagsasalita. Lumapit si Drea kay Jasper at itinapik ang likod nito nang bahagya.

"May kutob ako sa batang iyan eh. Isa pa hindi tayo siguradong walang siyang masamang intensyon sa biktima."

"Grabe ka, paano mo na papunta ang binatang iyan nang hindi pinipilit. Wala ka pa talagang warrant ano."

"Jasper, binata iyan, high school. Kung ipinakita ko sa kanya ang warrant edi hindi siya sasama nang matino. Ikaw ba naman, high school pinuntahan para sabihing may warrant ka na maaaring ikaw ang pumatay kay Abigail Lacsamana."

Labag man sa loob ang ginawa ni Drea ay wala namang may nagawa si Jasper at pumasok na lang rin sa loob kasama si Drea na seryoso na ang mukha. Hindi pa man nakapagsimulang mag tanong si Drea at Jasper ay nagsalita na kaagad ang binata.

Bloody Crimes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon